CHAPTER 24

57 6 0
                                    

HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO nung pinakilala ako ni Raiko sa Mommy niya. Kinabahan ako noong una pero habang tumatagal ay naging magaan ang loob ko sa Mom ni Raiko.

Masayang kausap ang Mommy niya kaya madaling kaming nag kapalagayan ng loob, Mommy na rin ang tawag ko sakanya imbis na tita.

Ayaw kasi niya na Tita ang itawag ko sakanya kasi daw kaibigan lang ni Raiko ang tumatawag sakanya ng ganun.

Natuwa naman ako. Nung nakilala ko yung Mommy niya ay parang nag karoon na rin ako ng pangalawang nanay.

Nasabi ko na kayla Mommy na may boyfriend na ako, nag Video call sila ni Raiko noong isang buwan kaya kilala na rin siya ng magulang ko.

Napakasaya ko kasi tanggap nila si Raiko. Medyo strikto lang si Daddy, bawal daw matulog si Raiko sa bahay, pero si Jake pinayagan niya tsss. Ayos lang naman kay Raiko yun.

Ngayong araw ay huling araw ng Agosto ngayong araw din ang simula ng Intrams, kasali ang dalawang lalaking importante sa buhay ko sa larong basketball ball.

Nandito na kami sa Court marami ng tao pero wala pa sila Raiko at Jake dito.

"Eds, bili lang ako ng water sa Canteen" Pag papaalam ko sakanya, nauuhaw n kasi ako.

"Sige basta bilisan mo ha?" Tumango ako at nag lakad na palabas ng Court.

Nag lalakad ako papunta sa Canteen ng makita si Raiko na may kausap lalapit Sana ako kaso hindi ko na nagawa dahil natulos ako sa kinatatayuan ko Sana nakita.

Kasama niya si Shane at nag uusap sila habang nakayakap si Shane sakanya.

"Mahal mo pa ako hindi ba?hiwalayan mo na ang babaeng yun sakin ka Raiko" Sabi ni Shane tapos ay hinalikan niya si Raiko sa pisnge.

Parang nag ka pira-piraso na naman ang puso ko dahil may sa nakita. Pero mas nawasak yun ng marinig ko ang sagot niya.

"Oo mahal kita—

Yun ang huli kong narinig dahil biglang may tumakip sa bibig ko, at unti-unting dumilim ang paningin ko at bumagsak sa isang braso.

Hindi ko alam ang nangyari, Nagising nalang ako sa isang madilim na kwarto na walang laman tanging ilaw lang na nasa itaas ko ang naging tanglaw ko sa dilim.

Biglang may pumasok at nakita ko ang nakangising si Andrew ng makalapit siya sa tapat ko.

"Kamusta Lovely Loisa?" Tanong niya at kumuha ng isang upuan at naupo sa harap ko.

"Bakit mo ako dinala rito? Anong gagawin mo sakin!?" Galit na sigaw ko sakanya. Bago niya ako sinagot ay sinampal niya muna ako ng pag kalakas lakas na naging dahilan ng pag dugo ng gilid ng labi ko.

"Alam mo kung bakit?" Tanong niya, simpal na naman niya ako, unti-unting tumulo ang luha ko dahil sa sakit na naramdaman ko.

"Dahil sayo nasira ang plano!tangina! Ninakaw ko na yung tanginang Cellphone ni Raiko na nakita mo tapos nakarating parin sa nanay niya yung Video?!" Galit na sigaw niya sakin at sinuntok ako sa tiyan napayuko ako at mas napaiyak.

Nakita na pala ng Mommy ni Raiko ang sinend ko sakanya? Matagal na yun pero kailan lang niya napanood?

"Kaya ito na ang huling plano ko, gagamitim kita para mamatay na si Raiko tapos isusunod ko yung dalawang matanda na yun!" Galit na sabi niya sakin.

Bakit gagawin niya yun eh magulang niya yun at kapatid.

"Ang sama mo! Magulang at kapatid mo yun! Bakit mo sila gustong saktan?" Galit na sigaw ko sakanya kaya nakatanggap na naman ako ng sampal.

The Man in the LibraryWhere stories live. Discover now