CHAPTER 23

63 8 0
                                    

THE DAYS PAST, AKO AT SI RAIKO ay mas naging masaya sa araw-araw naming pag sasama.

Hindi kami madalas mag away at wala rin naman kaming pag aawayan, mas naging malambing siya sakin at mas naging maasikaso kaya sinagot ko na siya.

I can't believe na yung multo dati sa dulong shelf ng Library ay boyfriend ko na ngayon, walang mapaglagyan ang saya ko.

Sana lang ay hindi na mawala ang sayang nararamdaman ko.Lumipas din ang araw at samin na tuluyang sumasama si Raiko, nilalapitan siya ni Shane pero hindi niya pinapansin.

Si Andrew naman ay laging nakamasid sakin—saming apat. Sa tuwing susubukan kong sabihin kay Raiko ang mga ginawa nung Kapatid niya ay hindi ko rin nasasabi dahil parang may nakatingin samin. Siguradi naman ako na si Andrew yun kaya hindi ko na tinutuloy ang sasabihin sakanya.

Pag nasa bahay naman namin si Raiko ay hindi ko rin masabi sakanya dahil tinatawagan siya maya't maya ni Andrew halatang pinipigilan ako sa pag sabi ng totoo.

"Mag lubay na nga kayo sa kaka yakap diyan!kaumay!" Sigaw ni Jake saming dalawa ni Raiko, nandito kami sa Library, nag babasa ako habang si Raiko ay nasa tabi ko at nakayakap.

'Siraulo inggit ka lang eh!'

"Eh di yakapin mo rin si Eds" Sagot ko sakanya. Tumawa si Raiko. Salubong naman ang kilay na tumingin sakin si Eds at Jake. Parang nandidiri si Eds sa sinagot ko kay Jake.

"Eww! No thanks nalang, kadiri ka Loisa" Nandidiring sabi niya at lumayo ng kaunti kay Jake

"Wow! Ikaw pa ang nandiri huh? Maraming babae ang gustong yumakap sakin kaya no thanks nalang din" Sagot naman ni Jake. Nag asar na silang dalawa.

Bigla kong naramdaman yung labi ni Raiko sa tenga ko.

"Gusto mo ng kumain? O mas gusto mo'ng ako ang kainin?" Nakaka-lokong tanong niya. Hinampas ko ang kamay niya na nakayakap sa beywang ko.

"Baliw ka talaga" Sabi ko sakanya, hinalikan niya lang ako sa gilid ng labi.

Lagi niya akong binbiro ng mga kung ano-ano pang kamanyakan pero hindi naman niya ginagwa, hindi sa gusto kong mag pamanyak ha?, nirerespeto niya ako at ang promise namin ay pag katapos na ng kasal namin gagawin yung mga bagay na yun.

Natapos kaming magbasa—este ako lang pala dahil nag aaway si Eds at Jake.

Lumabas kami sa Library na nakawak si Raiko sa beywang ko. Kahit pinagtitunginan kami ay hindi niya inalis yun.

Wala siyang paki sa mga nakatingin tapos ako parang kakapusin ng hininga sa sobrang kilig pero pag nakikita ko yung tingin ng mga babaeng nadadaanan namin para nila akong sasakmalin eh, ang sama ng mga tingin.

'Dukutin ko yang mga mata nyo eh'

Masaya ang araw na ito dahil kasama ko si Raiko at ang mga kaibigan ko. Nung uwian na ay nag aya si Raiko na kumain sa Mall.

Syempre dahil libre sumama yung dalawa.

"San tayo?" Tanong ni Jake.

Nag lalakad na kami dito sa loob ng mall hindi namin alam kung saan kami dadalhin ni Raiko basta sinusundan lang namin—este sila Eds pala ang sumusunod samin kasi nakahawak parin si Raiko sa beywang ko.

"Basta, trust me masarap ang mga pagkain dun" Sagot ni Raiko.

"Siguraduhin mo lang, kundi ikaw ang kakainin ko" Sabi naman ni Jake. Natawa ako dahil may naalala ako sa sinabing yun ni Jake.

"Yuck! Kadiri ka bro! Si Loisa lang pwedeng kumain sakin!" Sabi niya kay Jake. Hindi ako nag salita nakita ko na tumingin sila sakin. Iniwas ko ang tingin ko dahil namumula nanaman ako panigurado.

The Man in the LibraryWhere stories live. Discover now