MFBF: Sixty-eight

238 16 1
                                    

Not Edited ilag sa typo!




Dark Days


Lezili's POV

Natapos ang klase at kanya kanya na kaming nagsipaguwian. Kasama ko naman si Kate papuntang gate nang mapansin ang isang mukhang matagal ko nang gustong makita

"Lex okay k--"natigilan sya nang mapansin kung saan ako nakatingin

Nakita ko sila Xynon at Kier na nagkukwentuhan,may sinabi pa si Louie kaya agad naman silang natawa. Kung titignan parang wala silang problema,walang kulang. Napangiti na lang ako nang mapait sa naisip... mukhang wala nang paki sakin ang demonito ah...

Kung malaman nya kaya na ako yung Lexie na kinahuhumalingan nya babalik ba sya sakin? Papansinin nya na kaya ako?

"Lex anjan na sya" dinig kong saad ni Kate, napayuko na lang akong lumapit sa kotse ni Shawn

"Oh ba't ganyan ang mukha mo?"tanong nya,hindi naman ako agad sumagot kaya nabaling ang paningin nya kay Kate

"Long time"bati sa kanya ni Kate,agad naman syang umayos nang pagkakaupo at nagseryoso

"Sakay na,may gagawin pa ko"

Tahimik lang kami buong byahe, napapansin ko din ang palitan nang tingin nila Kate at Shawn pero hindi na ko umimik pa. Pagkarating sa bahay ay agad na didiretso na sana si Shawn sa taas nang pigilan ko sya

"Teka!"pigil ko,agad naman syang napahinto saka tumingin sakin

"What?"tanong nya, napabuntong hininga pa ko saka nagisip nang sasabihin

Pano ko ba uumpisahan to?

"Uh...p-pwede ba muna tayong magusap?"tanong ko,agad naman syang napatingin kay kate na nasa likod ko

"I'm busy,maybe later"cold nyang sagot saka tumalikod,agad ko namang hinigit uli ang braso nya pero ngayon mas hinigpitan ko na ang hawak


Hays! Nakakainis, hanggang ngayon ba naman wala pa rin syang planong sabihin sakin ang totoo! Di kaya ayaw nya naman sakin? Hays bwiset!

"Wala ka talagang planong magpakilala no? Tch! Sa bagay hindi ka nga nagpakita agad diba? Dinaan daan mo pa ko sapangingidnap mo"inis kong saad

"Lex"tawag sakin ni Kate pero hindi ko sya pinakinggan

Nagsimula nang mamuo ang luha ko,habang patuloy ang paghigpit sa pagkakahwak sa braso nya

"Wala ka talagang sasabihin? Ha kuya?!"sigaw ko sa kanya pero imbis na magulat o umiwas ay niyakap nya lang ako

"Ang daya mo alam mo ba Yun?! Magkapatid pala tayo pero mas pinili mong isipin kong kidnaper ka! Okay lang naman kung ayaw mo sakin eh,hindi kita pipil---"agad akong natigilan nang humiwalay sya sa pagkakayakap sakin

"Shh don't say that, God knows how long I've waited for us to meet again. I love you okay? Kahit kailan hindi kita inayawan,kahit gaano ka pa kasakit sa ulo o kahit paulit ulit mo kong tawaging pangit.. hinding hindi ka aayawan ni kuya okay?"napangiti sya kahit na patuloy ang pag agos nang luha sa mata nya,agad ko naman syang niyakap nang napakahigpit

"Right from the start,nung inakala mong kikidnapin kita gusto ko nang sabihin sayo ang totoo. I've always wanted to hear you call me kuya again, but I need to be careful. Maraming nakabantay sa bawat galaw ko,at pwedi kang madamay. I realized that maybe if you don't know who I really am,maybe if no one knows about our relationship,hindi ka nila gagalawin. No one will suspect you,and your life wouldn't be in danger"paliwanag nya

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now