MFBF: Seventy

218 16 4
                                    



Kaso

Shawn's POV

Gabi na nang makarating ako nang bahay. Nagdala na din ako nang mga pagkain para makain namin nang makitang nakahandusay na si Kate sa sahig. Nabitawan ko agad ang dala ko at agad na lumapit sa kanya

"Kate! Kate gising! Kate!"tinapik tapik ko ang pisngi nya at laking ginhawa nang unti unti nyang imulat ang mata nya

"Lex"agad nyang saad,dahil sa pagkataranta ay binuhat ko muna sya pahiga sa sofa bago tumakbo paakyat nang kwarto ni Lex

Laking ginhawa ko naman nang makitang ayos lang sya,pero si Dr. Deviega, naiwang nakahandusay at may sak sak nang injection sa leeg. Agad naman akong naalerto nang makita si Nya na naka upo sa isang sulok

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko,agad naman syang tumayo hawak ang isang gunting dahilan para maalerto ako

"Relax hindi kita sasaksakin"sagot nya saka lumapit kay Dr. Deviega at saksakin pa ito nang paulit ulit

"Wag kang magkalat
sa pamamahay ko!"sigaw ko,agad naman syang napahinto at lumingon sakin

"Niligtas ko na nga ang buhay nang kapatid mo papagalitan mo pa ko?! Ano to g*guhan Lang?"tanong nya, nangunot naman ang noo ko

"Niligtas laban sa Doktor?hibang ka ba?"tanong ko

"Pinagkakatiwalaan mo ang doktor nang Dad ko? Ikaw ang hibang! Lahat nang tulong nya may kapalit, malas mo lang dahil yung sayo buhay nang kapatid mo"

"Si Don Hilberyo ang nagutos sa inyo?!"gulat kong tanong, tumango naman sya habang hinihila ang katawan nang doktor palabas nang kwarto,agad ko naman syang hinawakan sa braso para pigilan

"Salamat" saad ko pa

"Wag ka sakin magpasalamat,sa kanya"turo nya agad kay Kate, pareho na kami ngayon napatingin sa kanya na iniinda pa din ang pagkahilo " maybe I'll take her advice"saad nya pa

"What advice?"tanong ko din

"Usesero,samin na yun"saad nya saka muling bumalik sa paghila sa katawan nang doktor, napailing naman ako dahil kumakalat sa sahig ang dugo nito

"Akin na nga! Pambihira ang hirap pa naman maglilinis,dinudumihan mo pa"biro ko habang tinulungan syang ligpitin ang katawan ni Dr. Deviega

"Walangyang matanda naman kasi to eh,apakabigat maysa baboy ata to eh!"pagsakay nya natawa na lang ako

Nang mailibing ang katawan ay agad na kaming bumalik sa loob nang bahay nang tawagin nya naman ako


"Shawn"tawag nya

"Oh?"tanong ko

"Alam mo ang nangyayari sa mga nagtatraydor diba?"nakangiti nyang tanong,agad namang napawi ang ngiti ko at nakaramdam nang kaba

Parang kapatid na din ang turing ko kay Nya,sabay kaming hinubog para maging ganito. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala din sya

"Tara na pumasok na tayo,sasamahan na kita bukas bumalik nang kampo"saad ko pero umiling lang sya

"Hindi na kaya ko na--"

"Pero gabi na,b---"

"Magingat kayo lagi"nagulat ako nang bigla nya kong yakapin kaya niyakap ko din sya pabalik "wag na wag kayong magtitiwala kay Dad, kahit kailan wala syang tinulungan..."saad nya pa

"Dito ka na lang muna kasi"maluha luha Kong aya sa kanya,hindi maganda ang kutob kong to

"Shawn..."

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now