Ang Pag-ibig Natin

170 12 0
                                    

Ang pag-ibig ko ay pagtitig sa araw,
Mga mata'y kalahating pikit-bukas,
Natatanging ganda ay nakasisilaw,
At ang kalabisan ay nakabubulag.

Ika'y nahulog na dahon sa taglagas,
Nasasapawan ng mga panibago,
Lilipas ang panahon at matutuyo,
Dadaan ang hangin, magbibigay hampas.

Ang pag-ibig natin ay pagtingin sa salamin,
Magkamukha pero hindi totoo ang isa,
Katapat pero kailanman hindi magkaabot,
Isang replekang laging nanganganib mabasag.

Higit sa lahat, isang makahiya,
Matinik ngunit mabilis tumiklop,
Sa tapik ng iba ay magtatago,
At maayos lang kung walang makikigulo.



067
Ang Pag-ibig Natin
07/08/20
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now