Tutulo

52K 810 31
                                    

Dalawang dekada nang nasisikatan ng kadiliman,
Taglay ang larawan ng bawat kasawian,
Sa likod ng eksena'y pinagmasdan ko sila,
Mula sa paghalakhak hanggang sa pagluha.

Isang araw ay hindi na mapigilan ang sarili-
Sa pagsipsip sa mga nasaksihang pighati;
Uhaw ako sa sakit at nahumaling sa pagtatangis,
Kaya tutulo para sa mga pag-ibig na nasawi.

Nagpasya akong tutula-
Upang isaysay ang 'di nakikita ng mata,
Ang magkubli sa mga salita at talata,
Hanggang sa huling patak ng aking tinta.

Maging ako ay nabubuhay sa pagbabalat-kayo,
Inaangkin ang mga katauhang nililikha ng isip ko,
Sinusuot ang maskara ng napipiling paksa,
At hindi matukoy ang tunay na mukha.

Kasakiman ang pangaraping ako'y titila,
Dahil masyado nang marami ang nawala,
Ganon paman, susubukan sa abot ng makakaya,
Ang maunawaan bago sumapit ang ika-dalawampu't isa.

Isang daang pahina ay hindi sasapat,
Batid ko na ito bago paman ang daan ay tinahak,
Hindi na yata maghihilom itong mga sugat,
Kaya nais kong dito mag-umpisa ang pagpatak.



001
Tutulo
07/12/20
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now