Pinipili

184 11 4
                                    

Maghihintay nalang ba ako-
Kung kailan maglalaho ang damdaming ito,
At manimdim ng paulit-ulit,
Dahil sa tindi ng aking pagnanais?

Nais ko pang makilala ka ng husto,
Lahat, maging ang mga masalimuot,
Binihag ako ng iyong kadiliman,
Kung saan ako sumilong mula sa nakaraan.

Ayaw ko nang bumalik doon,
At mas nanaisin pa ang saktan mo,
Nais kong makaramdam muli,
At ikaw ang aking pinipili.

Pinipili kita upang ako'y saktan,
Kaya sana, ayusin mo naman,
Iyong tipong hindi ako makakabawi,
Iyong tipong maaalala kita palagi.



077
Pinipili
01/12/23
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now