From inbox "Say goodbye"

1 0 0
                                    

From the Inbox

Hard to say goodbye!😭😭😭😭
Hi have a goodday guys! Hope magustuhan nyo tong story na to. A story of mine. I have a lesbian partner for 3 years. Sisimulan kuna.

Bakit ba hanggang ngayon na mimiss kita? Bakit hanggang ngayon mahal parin kita? Kahit na hindi na dapat, kahit naman na alam kong ako ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong situation? Alam kong ako ang nang iwan, ako ang sumuko, imiss you lalo na pag malungkot ako,ikaw kasi yong taong nag papasaya sakin, ikaw yong taong inalagaan ako lalo na pag may sakit ako.ikaw yong taong nakakaintindi sakin sa mga panahong inaatake ako ng hindi magandang pag uugali. Tapos sasabihin mo bakit? May problema ba?may masakit ba sayo? Tapos tatarayan lang kita, sasabihin ko wag mo nga akong kakausapin pero hnd ka titigil hanggat hnd ako na papatawa o na papangiti man lang. Minahal kita sa paraang alam ko. Minahal kita for 3 years. Minahal at tinanggap kita.alam ko ganun karin naman, yong relasyong binuo natin, relasyong pinangarap natin,mga pangako natin sa isat isa,mga pangarap na hinding hindi na matutupad ngayon, for 3 years of relationship, trials at loves. Were getting mad to each other,  na halos araw araw ganun nalang yong nangyayari,nag tiis ako kasi mahal kita nag papalitan tayo ng mga masasakit na salita dumating tayo sa point na nag kakasakitan na tayo sabi ko noon sayo. Mag aaway lang tayo diba? Pero hindi tayo mag hihiwalay. Natatandaan mo ba  nung una tayong nag kita? Akala ko ikaw yong ex ko, kasi kahawig mo sya nagalit ako mga barkada ko kasi bakit invited sya? Yon pala hindi ikaw yon. Hahaha. Natatawa na lang ako. Then after 3days. Nan ligaw ka sinagot kita nung sept.01.2014. Officialy naging tayo na hindi naging madali yong relationship natin, dahil maram8ng may ayaw satin, pinalayas ako ng mama ko at ganun karin ilang araw tayong sa kalye natulog walang kaibigang nalapitan hanggang sa umuwi ka inyo, iniwan mo lang ako saglit kasi sabi mo kakausapin mo parents mo. Gabi na wala kapa natatakot nako kasi ako lang mag isa sa pwesto natin, hanggang sa nakatulog ako naramdaman ko nalang may nakayakapa na sakin, dumilat ako at ikaw yong nakita ko. Ngumiti ako at niyakap kita, tapos na iyak ako kasi kala ko di kana babalik. Tapos sabi mo tara na kain na tayo may dala akong pag kain, kumain tayo nang sabay.inanong kita kung bakit malungkot ka hindi ka sumasagot hindi narin ako nag salita that time.kasi alam ko ayaw mong kinukulit ka, then lumaki mata ko, nung tumawa ka ng tumawa, nagalit ako nasuntok kita kasi naiinis nako sayo nun. Tapos sabay sabi mo, tara na pag tapos natin kumain dito uuwi na tayo, gusto lang kita inisin kasi ang ganda mo pag nagagalit ka. Naiyak ako at napayakap ako sayo, tinanong kita kung saan tayo uuwi, sabi mo sa bahay saan paba?? Mula ngayon hindi na tayo dito matutulog at ayaw kuna makita kang umiiyak.mahal na mahal kita okay? Tumango lang ako pero ayaw pa tumigil ng mga luha ko. Until now pag naaalala ko yong mga pinag daanan natin noon. Naiiyak ako nang hihinayang. Tapos dun na tayo umuwi sainyo, dun natin bunuo mga pangarap natin, hanggang sa dunating yong isang pag subok sa relasyon natin, pag subok na sobrang sakit tanggapin na kahit na anong pilit ko. Pinilit ko balewalain kasi mahal kita, yong mga sinasabi ng iba na niloloko mo ko, hindi ko pinaniwalaan lahat ng yon, kasi sabi ko ikaw lang paniniwalaan ko at pakikinggan ko, hanggang yon nalang yong palagi nating pinag aawayan, the 3rd party. Eto na yong point na hnd kuna kinaya lahat ng sakit, nasa gitna na ako, maraming problemang dumating sa pamily ko at pamily mo. But still kumakapit lang ako kasi nga mahal kita. Ako lang nay work sating dala ako lang yong inaasahan ng pamilya ko. Ako lang yong nag papaaral sa kapatid ko, ako lang yong bumubuhay sa adopted natin(oo may ampon kami kasi pangarap namin yon dati pa) na walan na ko ng time sa lahat, sayo, sa anak ko, at sa kahit na sino, hanggang sa dumating sa point na hinatid ko anak natin kay mama, kasi hindi mo naaalagaan ng maayos. Kasi na lulung ka sa barkada mo habang ako eto nag papaka puyat sa trabaho. Parang feeling ko wala ng IKaw at AKO nalang yong nakakapit.kala ko noon mas titibay pa yong samahan natin kasi may anak na tayo pero hnd pala mas gumrabe pa. June 12.2017 araw nang kalayaan, araw din nang papalaya ko sayo.kasi pagod nako, pagod nako umasa na magiging okay pa tayo, sawa nako, sawa nako sa mga pangako mong hindi natutupad, lasing ka nang umuwi ng bahay, inaway mo ko pinaalis mo ko, wala akong kibo, inayos ko mga gamit ko, mahal na mahal kita ayaw ko gawin yon pero ang sakit sakit na ng mga ginagawa mo sakin. Hinabol mo ko, nag makaawa ka na wag akong umalis, wag kitang iwan, lasing ka kaya alam ko dala lang ng kalasingan mo mga sinasabi mo. Nag makaawa din ako sayo, tama na ayaw kuna pagod nako,hanggang sa inumga na tayo sa daan, pero wala na talaga kahit na anong pakiusap mo, oo mahal na mahal kita pero nakakasawa na,mahal kita pero ayaw kuna. Sorry mahal kung bumitaw nako,

sorry kung hindi kuna kinaya,sorry kung hanggang dito nalang tayo.lahat kasi ng pangarap at pangako natin sa isat isa nananatiling pangako at pangarap nalang talaga.😢😢 alam ko masaya kana sa bago mo, please wag kana mag paramdam? Feeling ko kasi pag nag ttxt ka umaasa ako na magiging okay ulit tayo.aaminin ko mahal pa kita until now hindi biro yong mga pinag daanan at pinag samahan natin, mahal, sana kung nasaan ka ngayon maging masaya ka, maging masaya kana rin para sakin. Lagi mong tatandaan andito lang ako, hindi papala sapat yong mga nag daang araw para kalimutan ka. Pero pipilitin ko, hanggang sa dumating yong araw na mag kita tayo ulit yong kaya na kitang kausapin mata sa mata. Yong wala na kong nararamdaman pa sayo. Until next time mahal.

Goodbye!😭😭😭 thank you sa love, sa care, sa happiness, sa lungkot, at sa sakit.

Work a holic of
Antipolo.

Thanks baby for posting this😊😊

Compilation of stories part 2Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu