"Hospital"

3 0 0
                                    

"Hospital" (short story)

           Sa loob ng  halos isang taon na Relasyon namin sobrang sakit para sa akin na halos isang buong araw ko na lamang pala siya makakasama. Sept .17 , nang mawala na siya NG tuluyan.

Bago pa man mangyari iyon. Nakasama ko muna siya SA loob ng 5days straight sa condo Niya ako natulog . Nursing student siya at masasabi Kong gwapong lesbian talaga kahit mga Prof niya na babae crush siya. Pero ganun pa man . Ang halos perpekto niyang katauhan ay Panandalian Lang Ang Buhay. Madaling araw ng sabado ng dalhin ko siya sa ospital. Sumisigaw siya sa sobrang sakit NG ulo niya. I can't remember Yung eksaktong pangalan NG sakit Niya pero uri ng cancer sa utak. And malala na pala . Noong time ko Lang na Yun nalaman Ang about sa sakit Niya.  Ang sama NG loob ko dahil Doon pero Wala na akong magagawang  Kaya Hindi ako natulog at binantayan ko lamang siya. Hanggang dumating na Ang mama niya from States at umiiyak dahil noong niya Lang nalaman Ang lagay NG anak niya dahil busy siya SA trabaho.

Ang sakit sakit Lang, Alam niyo Yung feeling na akala Mo perfect na. Akala Mo siya na talaga pero Panandalian Lang pala. Nagalit ako sa Diyos dahil sa mga Tao na Mahal ko na kinukuha niya. Pero Ang Mahal ko. Tinuruan niya akong tanggapin ang kapalaran NG Buhay. Mahal na Mahal ko si Keith. Siya Ang inspiration ko kahit na tago Lang Ang relasyon namin , Kaya sa kalagitnaan NG pag hihirap niya sinamahan ko pa din siya.

Madaling araw ng Linggo, naging matamlay ang lahat galing ako sa labas para bumili NG kape at pag balik ko nakita ko si Keith kumakain at nakikinig ng music. Bigla siyang napahinto at tinawag Niya ako at Pina higa sa tabi niya. Ang aliwalas NG mukha niya NG mga oras na Iyon Kaya medyo nawala ang pag aalala ko. Akala ko noong mga panahon na iyon madaling gamutin Ang sakit Niya . 2nd year highschool Lang ako at 5th year na niya sa course na nursing. .. nakilala ko siya SA isang clan ... Nag ka text text tapos nag ligawan tapos naging kami. At Yun nga humantong na Ang huli namin pag sasama sa hospital.

Pinag higa Niya ako sa tabi niya. Sinuklayan niya Ang buhok ko at kinantahan ng mga kanta ng "Secondhand Serenade" . Bago pa ako mahimbi naramdaman ko Ang halik Niya sa noo ko at sa aking labi. Lalo na Ang napaka init at mahigpit niyang yakap. Kinaumagahan Ang ganda NG gising ko . Naka ngiti pa akong gumising nag handa NG agahan at ng mapansin ko na naka patay na ang mga aparato na tumutulong sa pag hinga ng Mahal ko. Wala na din kahit Anong naka lagay sa katawan niya. Ganun pa man binalewala ko Ito. Tinuloy ko ang pag gawa NG agahan Niya na oatmeal. Tapos hinalikan ko siya sa noo . Sabi ko "Mahal , gising na sabay Tayo mag breakfast" tapos biglang pumasok Ang mga nurse at doctor pati Ang mama ni Keith. Sabi NG doctor noong maka tulog daw ako .   Binawian na NG Buhay si Keith. Hindi lang nila na tanggal Ang katawan dahil nakayakap pa ako. Kitang Kita ko sa mga Mata NG  nasa paligid ko Ang AWA nila Sakin. Pero pilit ko padin pinakita na Mali sila. Yinugyog ko si Keith sa paniniwalang magigising pa Ito. Pero Wala na talaga .   Patay na talaga Ang Mahal ko . ..  umiyak ako NG umiyak Hindi ko matanggap Ang lahat . Kung Alam ko Lang na Iyon na Ang huling Gabi na makakasama ko siya marahil Hindi ako humimbing ng tulog bagkus pinanuod ko na lamang siya at kinuwentuhan ng aming mga naka raan . Hindi ako maawat ng mga nurse ayaw Kong humiwalay sa bangkay ng Mahal ko Kaya namin napilitan silang turukan ako NG gamot na siyang nag palata sa buong katawan ko. Iyak padin ako NG iyak habang inilalayo nila ako Kay Keith . Pero kailangan ko na talagang tanggapin na Wala na Ang Mahal ko .

-End-

Compilation of stories part 2Where stories live. Discover now