We belong together Part 18

3 0 0
                                    

  

                 Alam niyo ba ang pakiramdam na lagi mong kasama ang taong pinaka gusto mo? Yung taong gusto mong makita sa tuwing bago ka matulog at gusto mong makita sa paggising sa umaga?. Alam niyo ba dati rati pinapangarap ko lang yun. Kaya naman napaka saya ko nang tuluyan ko na nga siyang makasama.

                 Ako nga pala si Elvia at Cyro naman ang pangalan ng pinakamamahal kong lalaki. Para sa akin siya na ang lahat, As in siya lang pinaka gwapo  sa  paningin ko kahit pa maraming nanliligaw sa'akin si Cyro na crush ng buong campus ang pinaka gusto ko. Nakakainis nga lang dahil may long time girlfriend siya at ang pangalan niya ay Alicia. Ganun pa man hindi naman ako nagpatalo dahil talagang naging consistent ako sa grades ko para naman lagi kong kasama sa section si Cyro. Ewan ko nga doon kay Cyro bakit niya nagustuhan si Alicia napaka boba naman. Isipin niyo yun nasa section one kami ni Cyro simula pre-school namin hanggang mag  highschool kami tapos yung Alicia na yun laging nasa section ten pababa tapos napaka kapal lagi ng make-up akala mo laging may Pageant na sasabakan. Tapos hindi naman siya kumuha ng degree sa college . At ito pa nga ang kinuha niya lang ay two years course. Samantalang ako same kami ni Cyrong kurso na kinuha. Alam niyo ba nung minsan akong nagtanong kay Cyro.

"Cyro ano ba ang nagustuhan mo kay Alicia?." Medyo naiinis ako nung nagtanong ako noon . Tapos sumagot siya "Maganda siya at totoo siya sa sarili niya , Tapos mabait."

"Aware ka naman siguro na gusto kita diba?." Tanong ko ulit.

"Oo, alam ko naman kaya nga  yung land lady okay lang sa kanya na  magkasama tayo sa isang kwarto kahit pa dorm ito ng mga lalaki. Gaga ka kasi sinabi mo na Girlfriend kita. Pasalamat ka hindi sinabi ni Land Lady kay Alicia yun kundi kotong ka talaga sa'kin"  Tugon niya.

Ganyan kaming magturingan parang magtropa. Diba dapat ako na lang magustuhan niya? Tama lang naman yun diba? Deserve ko siya. Dahil noong mga panahon na may sakit siya ako ang nag-alaga sa kanya. Noong na ospital ang Mama niya ako ang kasama niya. Noong namatay ang Papa niya ako ang nandoon kasama niya  ako ang katuwang niya naging crying shoulder niya. Alam niyo ba ginawa ko na lahat ng nakikita ko sa love story movies pero walang epekto sa kanya. Kaya Naisip ko na ang pinaka magandang desisyon. 

Yun ay ang imbitahan si Alicia sa isang dinner date at ginamit ko ang cellphone ni Cyro para naman mas mapabilis ang pagpunta niya sa special venue.

Compilation of stories part 2On viuen les histories. Descobreix ara