DALI | TEN - HER CULPABILITY

229 12 1
                                    

NAPAKAPIT AKO sa hamba ng hagdanan, nakaawang ang bibig at hindi man lang maigalaw ang mga paa. I gaze at the kitchen very intently. The visuals that I see seem fragmented. Blurry. I couldn't seem to focus my vision on the scenario playing in front of me. But I don't know why deep inside my heart and in my mind, I know that it was Mom and Kaden who are in the kitchen.

The scenario felt so familiar that I couldn't help but tear up while looking at them. Nakaupo sa isa sa mga upuan si Kaden sa harapan ng hapag. Hawak niya ang Ipad sa isang kamay at nakatutok doon. His other hand is clutching a can of fruit juice while saying something to my mother whose attention is direct to the strove--maneuvering it. Sa hapag ay may nakahanda ng pagkain. I think they are almost done preparing the table for our dinner.

Nakatitig ako sa nangyayari sa harapan ko na parang nanunuod ng pelikula. Parang totoo na hindi. Malinaw na malabo. Hindi ko maintindihan.

Lumipas ang ilang segundo. Parang dumoble ang lakas ng kaluskos na naririnig ko galing sa kalan at sa sandok na ginagamit ni Mom sa paghalo ng pagkain. Hanggang sa halos marinig ko na rin ang tunog ng orasan sa mismong harapan ko na nakasabit sa dingding. Sinubukan kong humakbang pero nanigas ata ang mga paa ko.

Tumunog ang pinto at gumalaw ang siradura. Mabilis ang mga nangyayari sa paligid ko pero para akong naestatwa. Wala akong nagawa kundi ang tahimik na umiyak habang nakaamba sa hagdanan, hindi makababa. Parang takot. Tuluyan na akong nanlumo sa pag-iyak. Napapikit.

Bumukas nang tuluyan ang pinto. Nang napapitlag ako dahil sa biglaang ingay, tsaka lang ako nakakilos.

Idinilat ko ang mga mata. Pero sa hindi inaasahan ang malambot na kama ang agad kong naramdaman. Nangunot ang noo ko. Naguluhan. Lalo na nang mapagtanto ko ang posisyon ko habang nakahiga. My arms are stretched so wide like I was crucified in the cross. And I am laying on my bed. Agad akong napatitig sa kisame... nang marinig ang boses ni Dad.

"Dali," tawag niya. I slowly moved. Nakatayo siya sa gilid ng nakaawang na pinto. Suot pa rin niya ang damit papuntang trabaho. Dala pa ang maliit na case para sa mga mahahalagang papeles. Sigurado akong kararating niya lang.

"What happened to you?"

"Dad," my voice shook. I started sobbing. Tumagilid ako sa pagkakahiga at doon mas lalong napaiyak. I don't know what's happening to me. I don't know.

"Shhh, anak." Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko na mariing tinatakpan ang mga mata. "Tell me... did something happen?"

"Dad..." paulit-ulit ko lang na sabi sa kalagitnaan nang pag-iyak.

Nagtaas-baba ang mga balikat ko at todo singhap para makasagap ng hangin kahit pa napapahagulgol ako sa pag-iyak. I feel so helpless. I look so helpless and I know I really am.

Dahan-dahang hinawakan ni Dad ang balikat ko at inalalayan akong makaupo sa kama. "You just arrived home?" marahan niyang tanong.

Umiling-iling ako. "Dad, I saw them. I saw them."

Nanginginig ang mga kamay ko. Maya't-maya akong napapasinghap dahil sa paghikbi. Basa ang mga kamay ko na ginawang pantakip sa mga mata para sana hindi na ako umiyak pa.

Hindi ko mapirmi ang mga mata. It's like my nerves are shaking and my shoulders are so heavy I couldn't even move even if I wanted to.

"Sino'ng nakita mo?"

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko magawang sumagot. That moment was so familiar, so nostalgic, and so painful.

"Dali."

Umiling-iling ako. Pero hindi natinag si Dad.

"Sino'ng nakita mo?" ulit niya. "Anak, kailangan mong magsalita."

Vengeance and RegretsWhere stories live. Discover now