Chapter 5: His Name

26 5 0
                                    

Chapter 5: His Name

Iyura Misiere

Nandito na ako sa room na pinapasukan ko. Iba ang awra ngayon, simula noong ihatid ako dito ay hindi ko na napansin pa ang paninitig ng malalim nila sa akin. Oo, tumitingin sila ngunit hindi katulad noong unang araw, ngayon ay parang pakiramdam ko ay para sa iba ay kasama nalang nila ako.

Naiilang na gumanti ako ng ngiti sa babaeng ngumiti sa akin. Mukhang papalapit pa siya rito sa kinauupuan ko, she has brown straight hair and red eyes, maputi siya at halos naman ang lahat na narito. Singkit ang mata niya at maamo, hindi ako nakakaramdam ng kaba.

"Leigh!" Nagulat ako sa pagiging straight-forward niya. Walang sabi sabi na naglahad siya ng kamay, ang ibang kaklase namin na narito ay tumingin at ang iba ay walang paki-alam.

"Iyura." Tinanggap ko ang kamay niya, hindi na ako ngumiti dahil masyadong awkward.

Nakangiti siya ng malaki at ang singkit niyang mata ay lalong sumingkit.

"Can we be friends?" Isang di ko inaasang sasabihin pa niya.

"Oo naman." Mabilis ko ring sagot. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin kahit nakaupo ako. What's this?

"OMG! Totoo nga! Now I know!" Rinig kong masayang bulong niya, hindi na ako makahinga sa yakap niya kaya siguro ay mabilis siyang kumalas.

"Sorry about that, I'm glad that we're friends already!" Masaya niyang sabi. Ngumiti nalang din ako.

"Hmmm pwede ba magtanong? About sa Hilheris!?" Excited niya uling tanong at inilapit pa ang mukha sa akin. What's with this girl?

"O-oo naman." Pagsagot ko.

"Anong klaseng buhay ang meron sa inyo? I mean, dati nung doon ka pa nakatira?" Tanong niya.

Napakunot ang noo ko, anong dati? Babalik pa rin ako roon.

"Mahirap." Maikling sagot ko. Ngumuso lang siya at malungkot na tumitig sa mga mata ko. She's cute.

"Alam mo na ba?" Biglang tanong niya na ipinagtaka ko.

"Alam ang ano?" Kunot noong tanong ko pabalik.

Ngumiti siya bago umiling.

"Nevermind." Nailang ako dahil nakangiti siyang pinagkatitigan ako, pero naputol iyon ng biglang may maramdaman ako, at alam kong pare-pareho kaming nakaramdam nito at napahinto.

Napalingon ako sa pinto kasabay ng pagpasok ng isang lalaking nakaitim na nakapamulsa at deretso ang tingin sa bandang gawi ko.

Hindi siya nakauniporme at tanging itim lamang na mamahaling damit ang kaniyang suot, halata ito sa tela.

Magkano kaya ang halaga niyan?

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan kahit na hindi siya sa akin nakatingin. Mapupula ang mata niya at nanlilisik, napatabi sa likod ko si Leigh para makaupo ang lalakeng dumaan.

Pumasok sa isip ko ang lalaking nakita ko kagabi, umiling ako.

"See yah later!" Parang kinakabahan na bulong sa akin ni Leigh bago dumiretso sa kaniyang upuan.

Tumahimik ang buong klase, walang kahit sino ang nagtangkang magsalita, lahat ay nakaupo at nakatingin sa unahan.

Nabuhay ang kaba sa aking dibdib ng bahagya niyang inilingon ang mukha niya sa aking gawi. Mabilis akong tumingin sa unahan.

Cursed BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon