Chapter 8: Welcome Party

32 4 0
                                    

Chapter 8: Welcome Party

Iyura Misiere

Halos lumabas na ang puso ko sa kaba habang pinagtitinginan ng lahat. Tumingin ako kay Leigh na nakangiti sa akin. What's going on?

"She's Iyura Misiere from Hilheris, everyone." Sa sinabing ito ng President ay lahat ay pumalakpak ng malakas.

Ano bang ginagawa ng President na ito? Pinapahiya niya ba ako? Bakit kailangan niya pa akong banggitin? Nilibot ko ng tingin ang lahat, nakangiti sila at hindi kakakitaan ng pagkukunwari at lahat ng kanilang reaksiyon ay tunay.

Kung ito ang gusto mo, bakit hindi?

Normal akong tumayo at lumibot ng tingin sa lahat ng tao, ngumiti ako sa kanila at tumango. Nakita ko ang iba na namanghang tumango rin sa akin at ang iba ay nagulat sa ginawa ko. Tumingin ako ng deretso sa President bago ngumiti ng malaki.

"Gorgeous as ever." Nagtaka ako sa sinabi niya, ngunit nagsimula na siyang maglakad papalayo sa stage.

"Oh my gosh! You look so powerful!" Rinig kong sabi ni Leigh. Matalim kong tiningnan ang President habang nakatalikod ngunit nabigla ako ng bahagya niya akong lingunin at tignan bago ngitian.

"Mukhang gusto ka ng President." Hinila ako ni Leigh papaupo.

"Anong meron sa party na ito?" Mukhang nahuhulaan kong hindi normal ang party na ito, mukhang ako ang sentro.

"I don't know. Pero sa tingin ko, it's a Welcome Party for you." Napatingin ako kay Leigh.

"What the hell?" Inis kong tugon sa tanong niya, anong welcome party? Gusto ko na nga umalis dito kung hindi lang ako pinagbantaan ng babaeng yon!

Alam kong banta ang sinabi niya, pero mukhang hindi lang iyon ang ibig niyang sabihin.

"Marami na ang nagsasayaw, oh my gosh! Where's Aethan? Bakit di niya pa ako pinupuntahan dito!" Tumayo si Leigh at lumibot ang kaniyang mata.

Huminga ako ng malalim bago ininom ang wine na nasa mesa nang may maglahad ng kamay sa harap ko.

"Wanna dance?"

Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko. Is this guy seriously asking me? Ang pinsan ni Leigh.

"Hey there, sabi ko sa'yo eh." Rinig kong sabat ni Leigh.

Ngumiti lang sa akin si Ralph habang nakalahad ang kamay sa akin. Ngumiti din ako sakaniya bago ko iabot ang kamay ko.

I wish Steren's here, so he can see this kind of party and we can dance.

"Thank you." Nakangiti nitong sabi sa akin, tumayo na ako at naglakad kami papunta sa gitna nang biglang...

"Your hands." A cold voice whispered.

Naramdaman kong nabitawan ni Ralph ang kamay ko.

Halos mawalan ako ng balanse sa pagkakatayo nang hinila niya ang braso ko! Akala ko ba hindi siya darating?

Tumingin ako sa humila ng braso ko, he's here. Jace is here. He's wearing a red suit with his messy hair that suit his bloody eyes.

"Wanna dance? Okay let's dance." Hindi ko nagawang magsalita nang hilain niya ako papunta sa gitna. Naagaw namin ang atensyon ng halos lahat at naririnig ko ang kanilang bulungan.

Cursed BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon