Chapter 2: The Broken Wall

70 11 6
                                    

Chapter 2: The Broken Wall

Iyura Misiere

Itim at madilim na ang kanina'y kulay asul na kalangitan, tanging bilog na buwan na lamang ang namamayani nang makarinig kami ng aking Ama ng malakas na pagbagsak nang kung anong bagay sa dagat.

Rinig na rinig ko ang pagkabagsak nito at halos mabasag ang loob ng tenga ko, I brush aside what I felt when my father look at me.

Naramdaman ko ang ibang kalapit-bahay ay nagsilabasan din.

"Ama, ano yon?" Lumabas kami ng aking Ama. Kasabay no'n ay ang mga kalapit-bahay namin na nagtataka sa nangyari.

Agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko nang makita ang mataas na pader sa di kalayuang parte ng dagat ay nawasak.

Sa itsura ng pagkawasak nito ay mukhang pinasabog, lahat kami ay naging alerto, tumingin ako kay Ama na mukhang natatakot sa mangyayari.

"Ama, anong nangyayari? Bakit nasira ang mataas na pader?" Natatakot kong tanong.

Kailanman ay hindi ito nangyari, there's something happened outside the wall. Napakatibay niyon sabi ni Ama at bakit ngayo'y wasak na ang ibang parte nito?

"Ngayon lamang nangyari ito, mag-antay lang tayo sa sasabihin ng nasa itaas." Nilingon ako ni Ama bago tumingin sa malaking tuktok ng tarangkahan ng Elthera. Sa sobrang laki ng tarangkahang iyon ay kahit nasa malayo, nakikita namin ang tuktok.

"Iyura!" Napatingin ako sa direksiyon kung saan ko narinig ang tinig na iyon. Si Steren, tumatakbo siya papunta rito at nasa ikaanim na bahay mula rito ang kaniyang layo.

"Ama, pupuntahan ko lang si Steren." Hinawakan ko sa balikat si Ama bago lumingon kay Steren.

"Huwag kang lumayo, Iyura." Napatingin ako kay Ama muli nang hawakan niya ako sa balikat, ramdam ko ang takot niya habang nakatingin sa akin.

"Opo." Tumakbo na ako at sinalubong si Steren, naramdaman kong masakit ang tumatamang ambon sa aking balat dahil sa aking bilis.

"Steren... Nawasak ang pader." Alala kong bungad agad sa kaniya.

"Oo nakita ko, wala ang mga bantay ng Elhera ro'n at wala ring pumunta para tingnan ang nangyari." Bumalik ang tingin namin sa wasak na pader na unti-unting pinapasok ng malalaking alon.

Nagsimula nang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Ngayon lang ito nangyari, sa mga nagdaang taon ay hindi nawawasak ang mataas na pader, kahit malaking alon ang humahampas rito ay hindi ito natutumba pero bakit nawasak ito ngayon?

Ngayon na walang bagyo o kahit anong paparating na masamang panahon?

"Iyura may bampira!" Agad akong napatingin sa itinuro ni Steren. May bampira nga! Hindi ako malakas para makita ang ganito kalayong distansya simula sa mataas na pader, hindi ko pa nagagawang mag-ensayo para gumaling ako sa bagay na ito pero bakit tila malinaw ang nakikita ko?

Dahil ang nakikita ko ay walang iba kundi ang lalaking bampirang may suot na itim na kapa, napatitig ako dahil siya rin ang nakita ko noon na nakamasid sa amin ni Steren sa bundok.

"Puntahan natin!" Agad ko siyang hinila ngunit pinigilan niya ako.

"Ano!? Nababaliw ka na ba? Hindi tayo p'wedeng lumapit doon!" Tiningnan niya ako sa paraang binabasa ang isip ko.

Cursed BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon