Chapter 39: Calm

3 1 0
                                    

 Nandito ako ngayon sa Magic Palace. Hindi na kami nananatili dito for our security purposes. Hindi iilang beses na may nakapasok dito na hindi naman awtorisado. 

 Binuksan ko ang room kung saan nila kine-cater ang sacred creatures dito. Nakita ko pa ang earthhounds na mahimbing na natutulog. Hindi naman ako nag-alalang baka magising sila dahil kahit naman kalampagin ko ang lahat ng gamit sa palace ay 'di pa rin sila gigising. Night time lang talaga ang oras na gising sila. 

 Binuksan ko ang pinto kung nasaan ang hinahanap ko. Napangiti ako nang tumakbo agad ito papalapit sakin nang makita ako. 

 Ito yung beast bear na napaamo namin dati nung pinaglaruan kami ni Erthus. Sabi ni Monco dahil mabait na naman daw ito ay aalagaan na raw ito ng palace. 

 Agad ako nitong niyakap nang mahigpit. Napatawa naman ako. Mukhang miss na miss ako nito, ah. 

 "How are you doing, big guy?" tanong ko dito nang bitawan na niya ko. 

 It answered my question with a growl. Natuwa ako dito and I rubbed its head. 

Idinikit nito ang ulo sa chin ko saka ni-rub do'n. 

 Nakipaglaro ako sa kanya do'n. Meron siyang toys dito na ibinigay sa kanya ni Monco for entertainment. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto kaya napatingin kaming dalawa do'n. 

 "Mukhang nage-enjoy kayong dalawa, ah," sabi ni Leslie pagkapasok. Kasunod niya rin si Hawder na agad nilapitan si Berry, yung beast bear. Kung pangit man ang pangalan ay hindi ko 'yan kasalanan. Si Hawder ang nag-isip no'n.

 Tuwang-tuwa ito sa kanya. Niyakap siya nito nang mahigpit to the point na hindi na siya makahinga halos. Tinawanan namin siya ni Leslie.  

 Nakipaglaro kami kay Berry for three hours. Nang magpapaalam na kami ay halos hindi na kami makaalis dahil nagpapaawa siya. Cute! 

 "Don't worry, we will come back to play with you again, okay?" sabi sa kanya ni Les. 

 Berry growled and hugged me and Les. Nanlaki ang mga mata ko dahil malapit nang magdikit ang mga mukha naming dalawa. Magkaharap kasi kami habang yakap-yakap ni Berry. 

 Mas hinigpitan pa ni Berry ang yakap kaya mas lalo pang nalapit ang mga mukha namin sa isa't-isa. Sh*t! Creydus... please save me. 

 Ilang minuto pa ang lumipas bago kami bitawan ni Berry. Nakahinga na ako nang maluwag dahil salamat at natapos na rin. 

 Hinayaan na rin kami ni Berry na umalis. Pagkalabas namin ay sumalubong samin si Hawder na nakangisi. 

 "Sweet niyong dalawa kanina habang yakap ni Berry," panunukso nito. 

 "S-shut up!" Les and I said in unison. Tinawanan lang kami ng g*gong nilalang. 

 "Sige na nga. Baka mamaya hindi na humupa 'yang mga namumula niyong mukha, eh," sagot niya samin. Sh*t! I'm blushing? 

 Napahawak tuloy ako sa pisngi ko habang palabas ng room na 'to. D*mn this! 

********

 Bumalik agad kami sa SU pagkatapos namin sa Magic Palace. Sinalubong kami nina Famara at Calen pagkarating namin sa dorms. 

 "So, ano? Kumusta si Berry?" tanong samin ni Famara. 

 "Ayun, ginawan ng sweet moment sina Lax at Leslie," sagot ni Hawder. Sinamaan namin siya ng tingin ni Les. 

 "Woah! Matchmaker na pala si Berry?" gatong pa ni Calen kaya nalipat ang tingin namin sa kanya. 

 "Tss. Matutulog na nga lang ako. Bwisit," bulong ko bago sila iwan na mukhang mga tangang tumatawa do'n. Les did the same. 

The Dark SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon