Chapter 59: Anthony Helercon

3 1 0
                                    

Third Person's Point of view
 Hindi nakakilos ang lahat sa nasaksihan. Hindi nila aakalain na ganito kalakas si Weros. 

 "Oops, I think I over did it," Weros said to himself. Napatingin siya sa mga sacred na nasa paligid niya na binibigyan siya ng masamang tingin. 

 He smirked. "What? Are you angry because of what I did to your friend?" he asked then laughed loudly. 

 Aatake na sana ang mga ito pero inunahan na niya. He dashed forward them and aimed a punch at Calen who was doing the same thing. Ang kaibahan lang ay nababalot ang kamao niya ng apoy. 

 Weros' fist landed first. Tumalsik si Calen sa lakas nito. He was about to attack the others when a transparent, mirror-like barrier covered them for protection. He looked back to see the caster of the spell. 

 It was a protection enchantment casted by Rob Donacier. He was with Monco and the other two members of the Sacraments. Weros smirked. 

 'The more, the merrier,' he said on his mind. 

 He was about to attack when he heard Night's voice on his head. 

 "Stop fooling around, Weros. Go for Ignite," he said. 

 "Yes, my lord," mahinang bulong niya habang nakapikit. Tinignan niya ang mga kalaban niya nang nakangisi. 

 "I'm sorry, I have to go after Ignite. Later, fellas!" he said before jumping high and dashed through the air towards Ignite's direction. 

 "D*mn," Monco mumbled, looking at the dashing Weros. 
********
Lax's Point of view
 Nagising ako na nakahiga sa isang mattress na pansin na ang kalumaan. Tinignan ko ang paligid at napagtanto kong nasa isang maliit na kubo ako. Meron din akong ilang bandages sa katawan. 

 May pumasok na isang matandang lalaki sa kubo. Pansin ang lakas niya sa kabila ng katandaan. Meron siyang dala na ilang dahon at isang... baboy ramo? 

 "Oh, gising ka na pala," sabi niya pagkapasok niya sa kubo. Napansin ko ang isang maliit na kawa na may lumalabas na steam. Nilagay niya ang mga dalang dahon sa kawang 'yon. 

 Sinubukan kong tumayo pero mabilis siyang tumakbo sakin para pigilan ako. Grabe, matanda na ba talaga 'to? 

 "'Wag ka munang tumayo, hijo. Hindi pa lubusang magaling ang katawan mo kahit nagamot ko na ang mga bali mo. Pero kailangan mo pang magpahinga at pagalingin ang mga sugat mo," paliwanag niya so I laid back. 

 "Uhm, pa'no niyo po ako nahanap?" tanong ko. Ang naaalala ko lang kasi ay nasa isang lugar ako na naga-up and down motion. Hindi ko naman alam kung saan o ano 'yon. 

 "Nakita kita na nakahiga sa isang balsa diyan sa ilog." Tinuro niya yung ilog na nasa harap lang ng bahay niya. "Wala kang malay at puno ng sugat. Buti na lang at kahit papano ay may background naman ako sa pagiging healing sacred kaya nagamot ko agad ang mga sugat at bali mo. Pero yung iba kasi masyadong matindi kaya hindi ko nakaya bilang hindi naman talaga healing ang magic ko," paliwanag niya. Napatango-tango ako. 

 "Salamat po pala sa tulong niyo. Kung hindi niyo po ako kinupkop dito malamang patay na ko," pagpapasalamat ko. 

 "Naku, walang anuman, hijo. Kahit naman siguro gagawin ang ginawa ko," he replied. 

 "Kung hindi mo mamasamain hijo, pwede ko bang malaman kung bakit ganun ang naging estado mo?" tanong niya habang hinahalo ang kung anumang niluluto niya sa kawa. 

 "Ah, isa pong tao na gusto akong gamitin sa isang masamang bagay. Masyado po siyang malakas kaya ayun, ganun ang kinahantungan ko," sabi ko. 

 "Ah, ganun ba? Eh saan ka naman nila gagamitin?" usisa niya. Isinasalin niya yung niluto niya sa isang bowl. 

 "Narinig niyo na po ba yung White Fragment?" balik na tanong ko. 

 Napatingin siya sakin habang nanglalaki ang mga mata. "Teka, ang White Cult ba ang kalaban mo, hijo?" gulat na tanong niya. Napakunot ang noo ko. Pa'no niya yun nalaman? 

 "O-opo. Sila nga po. Pa'no niyo po nalaman?"

 "Dati ay nakarinig na ko ng isang prediction tungkol sa isang sacred na magwe-weild ng isang malakas na magic na tinatawag na Reaper's magic. Sinasabi na pinapatay nito ang kahit na sino through contact. Pero kaya din nitong i-unseal ang batong 'yon," paliwanag niya. 

 "Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman ang pangalan mo at kung ikaw nga ang may hawak ng magic na 'yon?" pagpapatuloy niya. 

 Well, wala naman sigurong masama na sagutin ang tanong niya, 'di ba? I mean, kung masama talaga siyang tao, pwedeng pinabayaan niya na lang akong mamatay do'n sa balsa. At isa pa, I got this feeling na pwede ko siyang pagkatiwalaan. 

 "Laxibe Ignite po, at opo, ako nga ang may hawak ng Reaper's magic," sagot ko sa mga tanong niya. Tumingin siya sakin na may magkahalong gulat at pagkamangha. 

 "So, you're Gillerio's grandson?" tuwang tanong niya sakin na ikinagulat ko naman. 

 "Kilala niyo po si lolo?" gulat na tanong ko na nakapagpangiti sa kanya. 

 "Nakwekwento ka niya kasi sakin. By the way I haven't introduced myself, didn't I?"

 Tumikhim siya bago magsalita. "I'm Anthony Herlercon, the former leader of the Sacred 19 in the past. And your grandfather is my best friend."

The Dark SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon