Chapter 50: Golden Problem

5 1 0
                                    

 Days passed again at wala pa ring ibang nangyayari. Parang ngang bumalik na kami sa dati naming pamumuhay dahil sa kapayapaang bumabalot ngayon. But I know this is just for now. Let's just say that ito yung sinasabi nilang 'calm before the storm'. 

 Naghahanda ako ng almusal ko nang may kung sino man ang kumatok sa kwarto ko. Halos liparin na ang pinto sa sobrang lakas ng pagkatok ng istorbong 'yon. Dahil naasar na rin ako dito ay pinagbuksan ko na siya. 

 "Oh, ang aga-aga nang-iistorbo—"

 "Have you seen Famara?" putol sakin ni Hawder na nakapagpakunot ng noo ko. Parang kasi siyang kinakabahan. 

 "Huh? Hindi pa ako nalabas ng room mula nung magising ako. Is something wrong?"

 "She wasn't at her room. Naghanap na ko sa buong SU but hindi ko nakita kahit anino niya. I tried calling her pero cannot be reached. I also called her parents na nagbabaka-sakaling nandun lang siya pero wala daw."

 Mas lalong kumunot ang noo ko. 

 "Have you spoke with Principal Hulburg or Monco about it?" I said at sinenyasan siyang pumasok. 

 "No. Baka kasi nandyan lang siya sa tabi-tabi. But I know her. Magpapaalam yun sakin kung aalis siya," he replied after he sat at the sofa. 

 I can see the worry on his face. Kahit sino naman sigurong malapit kay Famara mag-aalala. Kahit ako ngayon nag-aalala na rin, eh. 

 Maya-maya ay may kumatok nanaman nang malakas. Ano ba namang pagkatok 'yan. Inaano ba kayo nung pinto? 

 Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sakin ang hindi mapakaling mukha ni Calen. Sumunod sakin si Hawder. 

 "Uhm—" Magsasalita sana ako pero pinutol niya rin agad. 

 "Is Leslie there?"

 Nagkatinginan kami ni Hawder dahil sa sinabi niya. 

 "N-no. She wasn't here. What's wrong?" I answered nervously. Sana nga lang at hindi tama ang hinala ko. 

 "Wala siya sa room niya. I've been searching sa mga places na posible niyang puntahan pero—"

 "Wala siya. I've tried to call her pero cannot be reached ang Communications Gicma niya," pagpapatuloy ni Hawder sa sinasabi ni Calen. 

 "How did you..."

 "Famara is missing, too," he answered to Calen then went back to the sofa. Pinapasok ko muna si Calen. 

 Nang makaupo kami ay saka kami nag-usap-usap. 

 "Did they say something na pupuntahan nila nung huli niyo silang nakausap?" I asked. Parehas umiling ang dalawa. Kahit din naman ako wala, eh. 

 "Do you think we should say this to Mr. Monco?" Calen suggested. 

 "I think so. Hindi na normal 'tong nangyayari."

 As if on cue ay tumunog ang Communications Gicma ko. It was Monco calling. I immediately answered his call. 

 "Hello—"

 "Go to the principal's office immediately. Now," he cutted with authority. Bakit ba ang hilig mangputol ng mga tao ng sasabihin ngayon? 

 "Okay," I said before ending the call. Hinarap ko yung dalawang nakatingin sakin. "Monco asked us to come to the principal's office," I declared. 

 Napatahimik kaming tatlo. Alam ko iisa lang ang tumatakbo sa isip namin. At sana lang talaga mali ang iniisip namin. 

********

The Dark SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon