2 0

172 4 0
                                    

CHAPTER 20

"Dad," bati ko kay daddy. Medyo kumunot pa ang noo ni dad kaya kinabahan ako ng kaunti. Nilingon ko si Lucas at halos pigilan ko na ang tawa ko nang makita ko siyang parang statue.

"I thought it's a blind date Alythea, ba't nandito si Miranda," seryosong sabi ni kuya Blare. Nilingon ko si kuya Blake para himingi ng kakampi pero mukhang gusto niya rin ang nagyayari.

"What do you mean blind date Blare? Did you allow your sister to go on a blind date without telling me?" Tanong ni dad kay kuya. Geez!

"Don't worry dad, I was just around the corner while they were in the restaurant," sabi ni kuya Blare.

"At nandoon din ako dad sa amusement park na pinuntahan nila. She's safe..." nagulat ako sa pinagsasabi nila kuya!

"You two were there?" Sabay na tumango ang dalawa kong kuya. Hilaw akong napatawa. So nakita nila kami ni Lucas sa ganoong ayos? Geez! Parang clingy na ewan pa naman si Lucas.

"Good evening po tito Cael... Blake, Blare," bati ni Lucas. Asan na ang confidence love? Parang lumipad ata.

"Dad... Si Lucas po pala-" di ko natapos akong sasabihin ko ng umeksena si kuya Blake.

"Si Lucas po pala dad, ang binasted ni Alythea..." At nagtawanan pa ang dalawa kong kuya. Kambal nga. Bilib din ako kay Lucas kasi hindi niya tinukso pabalik si kuya. Oo, nga pala may atraso. He needs to win the heart of my family.

"Dad... Boyfriend ko po." Nanlaki ang mata ni dad at parang nabulunan ang dalawa kong kuya sa sinabi ko.

"Sean Lucas Miranda po tito. Boyfriend po ni Alythea." At pormal na nakipagkamay siya kay dad. Tinanggap naman ni dad iyon kaya medyo gumaan ang loob ko pero ang dalawa kong kuya na nasa tabi ko ay di maipinta ang mga mukha.

"Sinagot mo?" Di pa rin ma process ni kuya Blake ang mga pangyayari.

"I thought na briefing mo na si Alythea, Blake," may briefing briefing pa silang nalalaman ha.

"Akala ko basted..."

Minutes pass nakita ko na lang ang buong pamilya ko na nasa sala. Sa isang upuan naka upo si Lucas. Sa mahabang sofa naman si Dad, Tita at Kiel, ako naman sa upuan na nasa harap ni Lucas at sa likod ko nakatayo ang dalawa kong kuya. Sayang wala si ate.

Kung tatanungin ako sa ngayon? Oo kinakabahan ako. Sa itsura pa lang ng mga lalaki na kasama ko ay parang hindi maayos ang timpla. But the guy infront of me assured me na kakayanin niyang harapin ang mga importanteng tao sa buhay ko.

"Bilib din ako sa tapang..." Rinig kong bulong ni kuya Blare.

"Kung alam mo lang kunting intay na lang maiihi na yan sa shorts niya." Basher talaga si kuya Blake mag bestfriend pa naman sila. Nilingon ko ang dalawa at napatahimik sila.

Medyo gumaan ang sitwasyon nang naiserve ni tita ang midnight snack na siyang pinagtuonan ng pansin ng mga kapatid ko. Parang nakalimutan ata na nandito si Lucas.

Tumikhim si dad at parang nagsnap sa isip ng mga kuya ko na nandito pala si Lucas.

"Lucas..." Panimula ni dad. Seyoso si dad parang nakikipagdeal sa isang negosyante. Kaya parang naiintindihan ko ang mukha ni Lucas na parang kinakabahan.

"Do you love my daughter?" Ako rin ay medyo nabigla sa tanong ni dad.

"Dad-"

"More than that tito. I love your daughter so much," nagkatinginan kami ni Lucas at nginitian ko siya nagpagkatamis. You're doing great love. Magpakatotoo ka lang magugustuhan ka nila.

A Shot of Euphoria (Austria Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon