Hope na na enjoy niyo story ko :>
Here's an another update for you all.Chapter 14
(Third Person)
Hating gabi na pero nakamulat parin ang mga mata ni Rancer habang mahimbing na natutulog ang mga lalaki sa dalawang kama na nakapwesto sa iba't ibang bahagi ng silid.
Binabagabag parin ito ng mga nangyari kanina pati narin sa mga sinabi ng dalaga sa kanya.
Napabugtong hininga nilang si Rancer at niyakap ang pusang nasa tabi niya at patuloy na nag-isip.
Sa kabilang bahagi naman ay nagising ang dalagang si Loiuse dahil sa uhaw na nararamdaman. Kinusot nito ang mga mata at bumaba sa kamang tinutulugan nila ng kapatid ni Rancer. Nag-inat siya ng kanyang mga kamay bago lumabas at bumaba patungo sa kusina ng naturang bahay.
Binuksan nito ang ref at nakita ang isang galon ng gatas, kinuha niya ito at nagsalin sa baso. Nakakita siya ng natirang cake sa ref at kinuha niya ito. Maingat na lumabas si Loiuse sa bahay at alam niya namang walang ibang tao sa isla maliban sa kanila. Nakita niya ang isang lamesa at upuan malapit sa dalampasigan. Nilapag niya naman ang pagkain niya rito at dinama ang lamig ng hangin habang nakatanaw sa maliwanag na buwan at kalmadong dagat.
Napabalikwas naman ng kama si Rancer dahil kahit anong gawin niya at naiisip parin niya ang mga nangyari lalo na si Loiuse. Napakamot nalang siya ng ulo at nakita sa labas ng bintana ang magandang buwan. Matipid siyang napangiti dahil isa siya sa mga taong may gusto sa buwan.
Lumapit siya bintana at tinitigan ang ganda ng buwan sa tahimik na gabi. Ang tingin niya ay napunta sa kalmadong dagat na humahampas sa maputing dalampasigan, sinuyod niya ang dalampasigan at nagulat siya ng makita ang isang dalaga na tahimik na kumakain.
Nakatalikod ito kay Rancer pero isang tingin palang alam na niya kong sino ito. Nag dadalawang isip man ay lumabas parin si Rancer sa kanyang silid at bumaba sa hagdan. Naglalakad siya papunta sa pinto at marahang lumabas para hindi makagawa ng ingay.
Nakatitig lamang si Loiuse sa dagat habang inaalala ang mga nangyari sa nakalipas na buwan.
May naramdaman siyang presensya kaya nilingon niya ito at nakita ang lalaking nakasama niya sa loob ng isang buwan, si Rancer.
Ngumiti siya rito at kinawayan ito, tumalon naman ang puso niya ng ngumiti rin ang lalaki sa kanya. She noticed that her heart always reacts weird when she's with Rancer.
Lumapit sa kanya ang lalaki. "Why you're still awake Vianne?" Umupo ito sa kaharap na upuan ni Loiuse.
"Nauhaw ako at nakita ko ang cake kaya nagutom rin ako." Natatawa niyang sabi at sumbo ng cake.
Tumango lang ang lalaki at tinitigan siya habang kumakain ng cake na nasa plato. "May problema ba Rancer?" Pinunasan niya ang bibig niya.
Napabugtong hininga ang binata bago nagsalita. "It bothers me." Tumingin naman ito sa mapayapang dagat.
"N-natakot kaba na maulit yon?" Tanong ni Loiuse.
"Yes." He answered.
Alam kong hindi ito agad nalilimutan ni Rancer dahil alam kong first time niya na experience ang ganun. "Don't worry I will make sure na hindi na iyon mauulit-"
"Natatakot akong maulit iyon at masaktan ka." Natigil ako sa pagkain at bumilis ang tibok ng puso ko. He sigh and look at me.
"W-what?" I'm shocked at may nararamdamang diko ma ipaliwanag.
Sinalubong ko ang titig niya at nakita ko ang pag-aalala rito. "Vianne you know how dangerous is that. You can just hide with me than to pull also a trigger and show yourself." Sermon niya sa akin.
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...