SMB 30

724 42 5
                                    

Chapter 30

I woke up heavy hearted, masakit ang mga mata ko pati na rin ang ulo ko. Mukang magkakalagnat ako.

Napabugtong hininga ako at napatingin sa side table, agad akong napalikwas nang bangon nang makita kong nine am na.

"Late na ako." Mahina kong sabi at mabilis na tumakbo papasok sa banyo. Napatingin ako sa salamin ng madaanan ko ito.

"Hindi na ako papasok." I mumbled. I touched my face na mukang ilang taon ng walang maayos na tulog, ang buhok kong parang pugad ng ibon, at mga mugto kong mga mata. "Hindi na ako papasok, that's final."

Bumalik ako sa kama at humiga, masama ang pakiramdam ko at nawalan na rin ako ng gana na pumasok sa school. Ilang minuto akong nakahiga ng tumunog ang tiyan ko.

I sigh and said, "gutom na ako."

Kahit parang umiikot na ang paningin ko ay bumangon parin ako at lumabas sa silid. Napabaling ang tingin ko sa pinto ng silid ni Rancer, napabugtong hininga ako. My eyes started to heat up again.

I think of my happy thoughts way back then para mawala ang pagkagusto kong umiyak.

Sinilip ko ang silid niya at wala na siya dito, bigla nalang akong nalungkot dahil hindi man lang ako nito tinignan ko ginising.

Sa ilang buwan naming pagsasama ni Rancer dito sa bahay, palagi ako nitong ginigising pag na-uuna siyang magising sa akin. Kahapon ko lang siyang nakitang sobrang late na umuwi at parang hindi ako pinapansin. He even shouted at me na ni minsan hindi niya nagawa.

Masakit isipin na noong isang araw lang sinabi niyang gusto niya ako tapos ngayon siya na mismo ang umiiwas.

Wala man lang siyang sinabi kong bakit at anong dahilan niya bakit bigla nalang siyang nagkaganun.

I forced myself to cook breakfast, pancake and milk lang ang niluto ko. Mabilis ko rin itong natapos at saka ko binigyan ng pagkain si Deven the cat.

Napa-pout na lang ako dahil wala akong nakitang gamot dito sa bahay. Kailangan kong uminom baka lumala pa ang sakit ko at mag-alala sila mom at dad, baka rin mag-alala si Rancer.

Hindi naman masama mag assume diba?

Umakyat na ako papunta sa silid ko, I washed my face at nagsuot ng pants at jacket na may hoody. Malaki ang jacket dahil hanggang kalahati ito ng hita ko.

Hinilot ko muna ang noo ko bago lumabas ng penthouse at pumasok sa ellevator. Kailangan ko pang lumabas ng building dahil walang pharmacy dito.

Mabigat ang katawan kong naglakad papalabas ng building, malapit lang ang pharmacy dito kaya kayang-kaya lang itong lakarin.

Papikit-pikit ako hanggang mapatigil ako sa pedestrian lane, hinihintay ko pa na mag stop light.

Ng pwede na ay agad akong lumakad but a fast expensive car is approaching me. Hindi ako makagalaw, nakatitig lamang ako sa sasakyan na humaharurot papunta sa akin.

The car was inches away from me when someone pulled me at naiwasan ko ang masagasaan ng sasakyan.

"Ma'am ayos ka lang po?" Nakita ko ang isang matandang babae na nakahawak ng walis habang nakatingin sa akin.

Bigla nalang akong napaiyak at napayakap sa matandang babae. She have this motherly aura that can make a child calm down on his arms.

"Tahan na, maayos na ang lahat." Mas lalo pa akong napaiyak dahil sa kanyang sinabi. Hinila niya ako at pinaupo sa bench na hindi kalayuan sa kalsada. "Ay nako! May lagnat ka pala iha."

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon