Ikalabing-pitong Kabanata

63 4 0
                                    

Kuya

"Saan na ang portrait?" unang bungad ko sa kaniya nang naaninag siya na papasok sa site. Sinadya ko talagang maagang pumunta rito para sa portrait.

Nauna na ang mga deliveries. Kaya nagtataka ako bakit hindi siya kasabay ng mga buhangin at semento.

Natawa siya ng kaunti. He was just looking at me with a smirk. He has nothing on his hand. So I guess wala iyong portrait?

"I forgot. I'm sorry." nanatili ang mapaglarong ngiti niya.

"Akala ko ba dadalhin mo?" hindi ko maitago ang inis. Tatapusin ko pa iyon.

"Dadalhin ko na lang kapag naalala ko. Or you can get it at my condo." inatake pa ako ng inis.

"Eh, kapag hindi mo maalala?"

"Then maybe you'll get it personally. Para maalala ko." I cursed in my mind. Ano pa ba ang iniisip niya?

Tinalikuran niya ako ng tuluyan. Wala akong nagawa kundi ang magkarga ng sama ng loob habang nagtatrabaho.

Mabuti na lamang medyo matalino ako. I brought with me the art materials. Kung ayaw niyang isauli, gagawa nalang ako.

Kalimitang napapatingin sa direksiyon ko si Yves. He keeps on eyeing me kung ano ang ginagawa ko sa table. I didn't let my focus  be distracted by his presence. Kaya naman pinag-igihan ko ang ginagawa ko.

"Boss?" rinig kung sabi ng isang kargador kay Yves. Ilang ulit iyon sinabi hanggang sa nakarinig ako ng sagot ni Yves.

"What?" his voice thundered in the site. Napabaling ako kung ano ginagawa niya subalit nakita ko ang paglapit niya sa akin. Iyong si manong kargador ay bahagyang napahiya sa pasigaw nitong sabi.

Napalunok ako nang nakita ang itsura ni Yves na galit. Umayos ako ng upo at itinabi ang ginagawa ko.

"Anong klaseng liquidation to Pastel? It's fucking useless. Do you think it's really sensible to put erasures and unnecessary marks in this?" matigas niyang sabi habang nilalahad ang liquidation papers na ginawa ko.

He's right. Maraming erasures iyon. At hindi ko naman alam na dapat pala sobrang linis kapag ganiyan. Kinakabahan kasi talaga ako basta pera ang pinag-uusapan.

Sinipat ko ng maigi ang papers. Doon ko na natanto na sobrang dumi nga..

"U-uulitin ko nalang." nahihiyang sambit ko.

He smirked with a mixture of annoyance.

"You need to take this seriously. Hindi iyong gagawa ka lang without minding the significance of a true and correct liquidation paper. We are talking money here and not playing like teens. And when it comes to business, I'm strict and serious with it. You should be also." parang piniga ang puso ko sa sinabi niya. Nanginig bigla ang kamay ko. At biglaang nagsihulugan ang luha sa mata ko.

I don't know. But I'm really hurt with his words. However, he's right. But I'm still a newbie. I need experience and this is a sort of experience. Nasasaktan lang ako.

"I-Im sorry." hindi na napigilan ng boses kung pumiyok. Yves was in awe. Lumamlam ang mata niya na para bang may natanto sa sarili niya.

No, he shouldn't be attacked by his conscience. It was my fault. Kung nireview ko ng maayos. Then, I guess maganda ang kalalabasan nito.

"Uulitin ko, promise. But please don't be mad at me. I'm still learning..." pinahiran ko ang luha ko at kinuha ang papers.

Natigilan si Yves.

I immediately walked out and went to the comfort room. Ang mga ibang kargador naman ay pasimpleng nakikiusyoso. Tinahak ko kaagad ang daan papunta sa comfort room.

Seductress PortaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon