KABANATA 8

21 2 0
                                    

Dad

Pumunta ako sa address na binigay ni Coreen....

Napa-aga yata ang dating ko dahil 2:30 palang ay nandito na ako samantalang 3:00 ang usapan.

It is a small cafe, at walang gaanong tao. Para bang ginawa ito para talaga sa mga private na tao.

Apat lang yata kami sa loob, yung cashier, yung babaeng nagbabasa sa bandang dulo, yung server, at ako.

Umorder muna ako ng latte at tsaka umupo malapit sa bintana.

Maaga pa kaya inabala ko muna ang aking sarili sa magandang tanawin sa labas.

Maya-maya ay dumating na ang aking order, ang tahimik ng paligid halos marinig ko na ang ihip ng hangin na pumapasok galing sa labas...

Makalipas ang ilan pang minuto ay nahagip ng aking mata si Coreen na bumaba sa isang di pamilyar na kotse...

Nang mahagip ako ng kaniyang mga mata ay kumaway ako ng bahagya ngunit tango lamang ang aking natanggap, hindi ako sanay na ganito ang tungo sa akin ni Coreen...

Mas lalo tuloy akong kinabahan..

Pag pasok niya ay dumiretso agad siya sa aking pwesto.

"Coreen are you okay?" I asked her

"Uhm, Trix may kailangan kang malaman." Saad niya gamit ang seryosong boses

Kinabahan ako lalo sa kaniyang sinabi ngunit hindi ko ito pinahalata kaya ngumiti lamang ako ng bahagya at sabay tumango sa kanya.

"Trix, I'm pregnant."

I stunned, natutuwa ako na hindi ko malaman kinakabahan ako ngunit mas nangibabaw ang tuwa para sa kaibigan.

"Wha-what?" I asked again

"Yes Trix, I'm pregnant." She replied, but I sense something, para bang hindi siya masaya

"Oh God! Congrats! Pero Coreen sino ang ama niyan?" I asked a bit nervous

"Trix, your father." Saad niya habang unti-unting tumutulo ang kaniyang mga luha

I got shocked, my father.... But why? How? The fuck!

Hindi ako nagsalita ngunit kitang kita pa din ang gulat kong reaksyon.

"Trix, I'm sorry, I'm so-sorry but your father is a coward!" Pagpatuloy niya

The Three Bullies And MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora