Kabanata 2

1.5K 35 4
                                    

Project

Nagising ako sa ingay ng aking cellphone kaya agad ko itong kunuha.

Pag kakuha ko ay naka recieve ako ng dalawang text message.

From: Professor Kimmy

"Good Morning Students! Cancel ang class natin ngayon, late na na announce kaya ngayon ko lang nasabi tutal kilala niyo na naman ang mga kapartner niyo sa project ay mas mabuting simulan niyo na gawin, sa Monday ang pasahan Have a Good Day everyone!"

Akala ko late na ako buti na lang cancel ang klase namin, binuksan ko naman ang text galing kay Coreen.

From: Besty Coreen

"Trixie, Good morning! Mamaya ahh wag mong kakalimutan."

Inalala ko kung anong meron mamaya, pero hindi ko maalala.

Habang nag hahanda ako bigla na lang tumunog ang aking cellphone. Sa calendar yung tumunog pag tingin ko ay Birthday pala ngayon no Coreen, na bigla ako kaya agad akong nag tipa ng reply.

To: Besty Coreen

Bes, Good Morning din! Happy Birthday! Oo sige mamaya ^_^.

Habang nag hahanda ako ay may biglang kumatok.

"Trixie bilisan mo at may nag hihintay sayo!" Aniya ni Manang Linda.

"Sige po!" Sambit ko at nagmadali na.

Sino kaya yung nag hihintay sakin, eh wala namang pasok ay baka si Coreen pero sabi niya mamaya daw... Imbis na isipin ay ginawa ko na agad ang akong routine.

Binilisan ko ang kilos na ligo na agad ako at nag lotion tapos blower tapos nag lagay din ako ng light na make up yun kasi ang sabi sakin ni Coreen kumuha ako ng isa sa mga binili namin kahapon simple lang siya color violet na floral dress, after ng mga 45mins na pag aayos ay handa na ako.

Habang pababa na ako ay nakasalubong ko si Dad.

"Good Morning Dad!" Bati ko at humalik sa pisngi ni Daddy.

"Good Morning My Princess!" Aniya at ginulo ng bahagya ang aking buhok.

Ilang sandali pa ay tinitigan ako ni Daddy.

"Nako! Dalaga na ang Prinsesa ko ah may manliligaw kana ba?" Tanong ni dad nakangisi

"A-ako, may manliligaw? Wala kaya Dad!" Napataas ang tono ng boses ko kaya ayon halatang defensive.

Tinawanan lang ako ni Daddy at ginulo ulit ang aking buhok.

"Okay sabi mo eh, bumaba na tayo at mukhang may manliligaw ka ay este bisita!" Aniya na parang natatawa.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at nag pout na parang nag tatampo sa sinabi ni Dad.

Bumaba na kami ni Dad para tignan kung sino yung "BWISITA KO"!

Naiisip ko pa sanang matulog eh, kaso lang may letcheng bwisita na dumating hyst... Nakabusangot tuloy ang mukha ko ng bumaba kami ni Dad.

Pag baba namin ay agad akong na estatwa ang mga paa ko. Bakit siya nan dito? Dahil ba yun sa kahapon yung sa room ba yun? Pero bakit? Napaka halaga ba nun? hinde naman siguro siya pupunta para doon lang? hinde naman iyon importante kaya bakit niya pag aaksayahan ng panahon yung bagay na yun. Bakit? Bakit kaya?

Lumapit sa kanya si Dad at binati siya.

"Oh, James ijo ikaw pala ang manliligaw ng anak ko ay este bisita." Tinignan ni Dad ang reaksyon ko at sabay silang tumawa ni James.

The Three Bullies And MeWhere stories live. Discover now