Kids Magnet

444 35 4
                                    

Alam mo ba yung feeling na lapitin ka ng mga babae? Diba pag ganun kusang lalaki ulo mo dahil ma-fi-feel mong sobrang gwapo ng itchura mo at napakabango pa.

Pero sakin hindi yun ang na-fi-feel ko kase imbis na chix ang lumalapit, bata ang lumalapit as in BATA.
Cute ako alam ko yun, pero hindi ako baby sitter kaya mga bata wag kayong lalapit sakin understand!

"Kuya pwedeng makuha number mo?" Anak ng...kakasabi ko lang pero heto na naman, may bata na namang nangungulit sakin. Alam ba nilang kahit ganito ako kaliit nasa tamang edad na ako at hindi nila kaedad.

"Shut up! Little kiddo." singhal ko sa bata na hula ko ay nasa average 10 ang edad, pero kahit sinigawan ko na parang wala lang sa kanya dahil nakangiting nakatayo pa rin saaking harapan.

Sa sobrang inis ko ay kusa nalang lumakad papaalis ang paa ko at sa awa naman ng mahabagin ay nilubayan ako.

"What?" natatawang tanong saakin ng katropa ko na lagi niyang nasasabi kapag nakikita niya akong naiinis na dahil sa mga batang yun.

"Shut up, Jepoy." tumahimik naman siya katulad ng nakasanayan kaya pinagpatuloy ko nalang ang nawadlit na pagbabasa ko sa lesson mamaya. Unti unting nauunawaan ko na ang aking binabasa ng kalabitin at tinawag pa ako ni Jepoy.

"Oww." Umigting ang panga ko at napakunot ang noo ng makita ang sampong bata na nakapaligid saakin. Pamilyar na ang mga mukha nila dahil sila lang naman ang mga batang inaaraw araw ang pangungulit saakin.

"Wahh namiss ko po kayo kuya."

"Kuya yung number mo na."

"Hello, snack tayo sa canteen kuya."

Kung anu-ano pa ang mga sinabi nila na kusang pumapasok at lumalabas sa tenga ko.  Pinakalma ko muna ang sarili na umaapaw sa inis, kahit kase makukulit sila mga bata pa rin ang mga iyon.

"Ehem, binubwisit nyo na naman ang BOYFRIEND ko." nagulat ako ng may nagsalita sa likod namin kaya naman reteral na tinignan ko ito pero nang nakita ko na natulala ako dahil dahil..

"Tol yung crush mo." oo crush ko ang nagsalita na yun kaya natulala ako, hindi dahil sa siya ang nagsabi kundi dahil ang ganda niya sa suot niyang floral dress.

"Ate sorry ha, kala kase namin single si kuya sorry po ulit." nginitian mo lang sila bilang sagot, alam mo bang dahil sa ginawa mo lalo akong nagkakacrush sayo.

"Huy, Choti wala ng yung mga bata." nagising ang diwa ko sa sinabi mo at dahil sa ginawa mo baka hindi na ako kulitin ng mga bata na iyon.

"Salamat Sachi." Alam mo bang ang tagal ko ng hinintay na kausapin mo ako? Alam mo bang nahihiya akong lapitan ka dahil maliit lang ako at alam kong hindi tayo bagay.

"Oh bakit malungkot ka Choti, ayaw mo bang maging boyfriend ko?" namula ako sa tanong mo at syempre hindi din ako nakasagot kaagad pero nung magsasalita na ako saka ka naman tumakbo paalis.

"Tol ano ba yan binusted mo ang crush mo, ang harsh naman nun tsk." Nagpatuloy nalang sa pagbabasa, siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't isa kaya hindi mo hinintay ang sagot ko sayo.

Lumipas ang isang buwan, ganun pa din naman ang laging nangyayari sa akin yung tipong madaming lalapit na bata at yung laging nagbabasa lang ako tuwing vacant time.

"Kuya, asan girlfriend mo?" nagulat naman ako sa tanong ng bata sa harap ko, kanina pa sila tanong ng tanong sakin habang nagbabasa ako pero ito lang tanong nila sakin ang nagpagulat sakin.

"Kaya nga kuya saan na siya, ang cute cute kaya niya tapos binigyan pa niya ako ng lollipop." sabay pakita niya pa sakin ng lollipop niyang rabbit ang design, kay Sachi nga galing dahil rabbit ang design.

"Hello kids and hello my loves." Napaawang ang labi ko ng halikan mo ako sa pisngi grabe palagi kana lang ba susulpot pag nababanggit ka ng mga bata na ito.

"Sige ate at kuya aalis na po kami babye." paalam nila satin pero nakatingin lang ako sayo, alam mo bang napapansin kong pagwala na sila saka ka aalis katulad ngayon lumalakad kana papalayo sakin.

"Sachi!" tumigil ka naman at humarap sakin ng nakangiti, hindi mo ba alam na pagngumingiti ka bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Pumapayag ka ng maging boyfriend ko?" nagulat ako sa tanong mo sakin pero tumango nalang ako agad para hindi kana ulit mag walk out ulit, yinakap mo ako ng mahigpit kaya naman ginantihan din kita.

"I'm inrelationship in kids magnet."bulong mo sakin kaya naman napangiti ako, akala ko dati hindi mo ako mapapansin dahil lang sa maliit ako yun pala mali ako.

It's Called Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon