Free Hug

378 31 2
                                    

Hindi man ako maganda, tao din naman ako na nasasaktan at may karapatang mahalin.

Alam ko namang lahat ng tao maganda at walang taong panget, pero maniwala ka at sa hindi sinubukan ko na lahat ng pampaganda upang masabi ko na talaga sa mga taong mapanghusga na maganda ako inside and out.

Pero dahil sa mga sinubukan ko mas lumala pa ang pagkapanget ko, kaya naman mas na fluterd akong panget na talaga ako.

"Mommy totoo po ang mga alien." rinig kong sabi ng batang bumibili ng ice cream di kalayuan sa pinagkakaupuang kong bench sa park kasama ang magulang niya.

"Anak bakit mo naman nasabi yan?" Sabi ng magulang ng bata na rinig na rinig ko pa rin sa pwesto ko.

"Ayon po oh alien!" nagulat naman ako ng biglang tinuturo ako ng bata sabay sabi niya nun.

Nung nagets ko ang sinabi ng bata napakamot nalang ako ng batok, pati bata ba naman ngayon mapang-asar na tapos yung mukhang ito pala alien na.

"Ate may free hug po kami, pwede po ba kayong maistorbo?" napaangat ang ulo ko sa sinabi ng babae na tingin ko ay kasing edad ko lang.

"Nako po sa panget ko pong ito baka po yung free na makahug ayawan ako." sabi ko sa babaeng nakangiti parin sakin kanina pa, nakita ko naman ang lalaking nakatalikod na may nakasulat na free hug sa likod ng babae kausap ko.

"Ate maganda po kayo, wag naman po ninyong I down ang sarili nyo." nakasimangot na sabi ng babae sakin, nagbow lang ako sa kanya para naman hindi niya masabi sakin na panget na nga bastos pa kung aalis nalang ako basta basta.

Naglalakad na ako ng maramdaman kong may yumakap sa likod ko.

"Free hug." Sabi ng lalaking yumakap sa likod ko.

It's Called Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon