Parlor shop

334 28 6
                                    

Alam ko namang wala akong pagkukulang sa sayo, naging caring ako girlfriend at higit sa lahat hindi kita pinagbabawalan sa mga gusto mong gawin sa araw araw.

Kaya lang ni minsan hindi ko naramdamang mahal mo ako, alam ko namang hindi mo basta basta ako magugustuhan I understand that dahil isa lang naman tayo sa mga magkasintahang na nabuo lang dahil sa isang pagkakasundo ng mga magulang.

Akala ko matutunan mo akong mahalin pero nagkamali ako, dahil kahit minsan pala walang nabuong pagmamahal dyan sa puso mo para sakin kaya ako na mismo ang nagpakawala sayo para hindi kana mahirapang katulad ng nararamdaman ko.

Ilang araw na rin akong nagkulang sa kwarto ko upang mag-isip isip, nang maisipan kong lumabas agad akong hinarang ng aking Ina sa harap ng pintuan.

"Anak nag-alala ako sayo, kala ko hindi kana lalabas sa kwarto mo at habang buhay nalang magmumukmok." kitang kita ko sa mukha ng Inay na labis siyang nag-aalala sakin, nginitian ko si Inay at yinakap.

Naging makasarili ako nitong mga nakaraang araw dahil hindi ko inisip na may mga taong labis na nagmamahal sakin na nag-aalala sa kalagayan ko.

"Inay lalabas lang po ako, pangako po babalik po ako ng ligtas dito." ngumiti lang ang Inay bilang sagot sa sinabi ko, alam kong nag-aalala siya sakin kaya inasure kong babalik akong ligtas sa bahay.

Buo na ang disisyon kong putilin ang buhok kong hanggang tuhod katulad ng tuluyang pagpapakawala sa kanya, ngunit ang maggugupit sakin ay hindi pa kumbinsido na ipapaputol ko ito.

"Sigurado po akong ipapaputol ko ito hangang balikat." nakangiting sabi ko sa babaeng halatang naghihinayang sa pagpapaputol ko ng buhok ko.

Hindi nagtagal at nakita ko ang itchura ko sa salamin na maigsi ang buhok, bagay naman pala ang ganitong putol ng buhok sakin kaya ngumiti ako sa babae at nagbayad na upang makaalis na.

Ngunit ikinagulat ko ang pagharang ng lalaking kanina pa nagbabasa ng dyaryo na ngayon ay nasa harap ko na, kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Bagay sayo miss." sabay haplos niya ng buhok ko, sa ginawa niyang yun biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

It's Called Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon