3rd Shade

4K 132 5
                                    

"Eto kase si Karylle, eh. Lapit ng lapit. Alam mo sa gabi naiisip narin kita. Kung ano ano naglalaro sa isip ko. Sabi ko, 'tong si Karylle oh... parang tanga."

*******

Nakaupo si Vice sa lounge area nang tumabi si Karylle sakanya. Yumakap si Karylle ipinatong ang ulo nya sa dibdib ni Vice.

Nagtaka naman si Vice sa aksyon na ginagawa ni Karylle. "Problema mo?" tugon ni Vice dahil naiinis sya sa ginagawa ni Karylle. Bad mood kase si Vice ngayon.... badtrip nga ba?

"Vice... busy ka ba after show?" tanong ni Karylle.

"Hindi." mabilis na sagot ni Vice.

"Samahan mo naman ako..." sambit ni Karylle.

"Saan?" this time tinignan na ni Karylle si Vice.

"I'm in search to find books. Kailangan kong bilisan para sa childhaus eh." tugon ni Karylle.

It took seconds for Vice to answer again, "Bukas nalang. May puntahan tayo."

Tumango naman si Karylle. "I need 500 books, Vice. Sa susunod na araw na yung book giving ko." Nagaalalang tugon ni Karylle.

"Dont worry, ako bahala." Kampanteng sagot ni Vice.

*******

"Vice, bat absent si Karylle?"

ayan ang salubong ni Anne pagkapasok nya ng DR ni Vice.

"Bat sakin nyo tinatanong? Ewan." Sagot naman ni Vice.

"Call her!" Utos ni Anne.

"Ano mo ako, Maid? P.A?!" Nangiinis na sagot ni Vice.

"JUST CALL HER!!!" sigaw ni Anne.

Wala nang choice si Vice kungdi sundin si Anne. It took Karylle 5 rings to Answer.

"Oh, K? Vice to. Saan ka?" - Vice.

(Hi vicey. Nandito kase ako sa bahay. Naghahanap ako ng libro.) sagot ni K.

"Diba tayong dalawa maghahanap?" -Vice

(De, ako nalang Vice. Baka maistorbo pa kita eh. Thank you nalang.) -Karylle.

Nagtaka naman si Vice sa sinabi ni Karylle. "Eh halos kulitin mo na nga ako para samahan ka eh."

(Sorry for that. But I can manage. Sige, bye!) agad binaba ni Karylle ang kanyang telepono.

Lumingon naman si Vice kay Anne. "Why is Karylle acting so weird lately? May alam ka ba?" tanong ni Vice.

Segundo ang nakalipas bago sumagot si Anne. "Um... wala!!!"

May alam to. Vice thought.

"Di ka makakalabas ng DR ko hanggang di mo sinasabi saakin ang totoo." -Vice.

Minassage ni Anne ang temple nya bago magsalita. "Okay, fine!! You know why Karylle is acting so clingy to you these past few days?"

"Oh, bakit?" sagot ni Vice.

"Your kurba is depressed, Vice. One of the patients in Childhaus died 2 weeks ago. Sobrang minahal yun ni Karylle. As in sobra. Karylle lose a bestfriend. Mahal na mahal nya yun. Then, yung about sa books thingy. Yung namatay kase na bata mahilig sa libro. Any type of books. Plano nyang bigyan lahat ng bata sa Childhaus ng books. Add up to this, she's also depressed kase nagbreak na rin sila ni Yael last week. She saw yael hooking up with a motherf*cking bitch. Sabi nya, baka ikaw ang makakatulong sakanya para gumaan loob nya. Pero sabi nya, parang mali sya, kase naiinis ka pa nga kapag clingy sya. Alam mo na-hurt sya sa sinabi mo on-air na parang tanga sya kase lapit sya ng lapit sayo. Vice, she needs you. Tapos ganyan ka." tugon ni Anne.

Parang nabagsakan si Vice ng langit at lupa sa narinig. Lingid sa kaalaman ng iba, Nagiinis-inisan si Vice kay Karylle dahil gusto nya na makamove on kay Karylle. In short, mahal nya si Karylle pero may mahal syang iba. Pero mali sya, mali ang ginawa nya. Dapat pala ipinapakita nya kay Karylle ang pagmamahal nya. Dahil kailangan nya ito ngayon.

"Kaya ko lang naman ginawang maginis inisan sakanya kase umiiwas na ko. Mahal ko na sya Anne, eh." naluluhang sagot ni Vice.

Nagulat si Anne sa narinig. Ngunit di nya pinakita ito. "If you really love her, show her. Prove it to her. She really needs to be loved right now."

*****

"Vice, saan ba tayo pupunta? Baka naman maistorbo pa kita."

Kasalukuyang nasa kotse si Vice at Karylle. Nagmamaneho si Vice at si Karylle naman ay takang taka kung saan sila pupunta.

"K, chill ka lang dyan ha? Makakarating rin tayo sa pupuntahan natin." sagot ni Vice.

Wala naman nang magawa si Karylle kundi tumahimik na lamang.

Nang makarating na sila sa destinasyon, pinagsuot ng blindfold ni Vice si Karylle. Una ay ayaw ni Karylle dahil natatakot sya. Pero napilit naman sya ni Vice sa huli.

Habang inaalalayan ni Vice si Karylle maglakad, si Karylle ay halos mangiyak na dahil takot na takot.

Nang makarating na sila sa place, agad tinanggal ni Vice ang blindfold na nakakabit kay K.

Nang makita nya kung nasaan sila, halos mapunit na ang bibig ni Karylle sa sobrang saya.

Nasa isang kwarto ng mga libro ang dalawa.

"Um, to be honest. Bookworm kase ako. 500 sakto tong mga libro ko. Siguro, mas better kapag ipaubaya ko sya sayo." Nakangiting tugon ni Vice.

"SAYO TO LAHAT?!" manghang tanong ni Karylle.

"Yup. Yung mga books ko meron dyang perks of being a wallflower, twilight series, shadow bones and marami pa. Keri na ba yan?" Vice.

Agad niyakap ni Karylle si Vice. "Thank you Vice. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya ngayon." naluluhang tugon ni Karylle.

Hinalikan naman ni Vice ang tuktok ng ulo ni Karylle. "Its my job to make you happy. Afterall, without any further do.. you're my responsibility from now on."

********

A/N: I was watching VK Videos last night bago magtapos ang VK 3rd Anniv. Kaya nakahanap ako ng line. Ayan, to see the vids i watched, nasa profile ko, scan nyo na lang :)  -@huskyvice

14 Shades of VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon