29

5.2K 102 0
                                    

Huminga muna ng malalim si Lluke bago siya pumasok ng bahay nila dahil kanina pa siya nababagabag sa mangyayari. Hindi niya kasi alam ang magiging reaksyon ng mga magulang at nang panganay na anak kaya kinakabahan siya ng kaunti.

Buhat buhat nito ang natutulog na anak na si Eillee na mukhang napasarap ang tulog habang nasa byahe sila.

Nang tuluyang makapasok sa loob ay saktong narinig niya na hinahanap siya ng panganay na anak.

"I'm here little buddy." He said kaya napatingin naman ang lahat sa kanya.

Lalapitan na sana siya ng anak nang matigilan ito dahil nakita nitong may buhat siyang ibang bata.

"Daddy? Who is she?" Tanong ng panganay na puno ng pagtataka ang mukha.

Napatingin naman siya sa mga magulang at kaparehong reaksyon din ang pinapakita nila.

Sasagot na sana siya sa mga ito ng biglang nagising si Eillee at nagtanong sa kanya.

"Where are we daddy?" His daughter asked dahilan para makuha agad ng mga magulang kung sino ang batang buhat buhat niya samantalang naguluhan naman ang panganay na anak dito.

"We are here at my parents house princess." Sambit niya saka binaba ito galing sa pagkakabuhat. Tumango naman ang anak saka nagtatakang tiningnan ang mga taong nasa harap nila.

"Lluke Vannder, anong ibig sabihin nito? Anak mo ang batang yan?" Medyo galit na sambit ng kanyang ina sa kanya samantalang napailing nalamang ang ama.

"Yes mom, she is my daughter." Sagot niya saka napatingin kay Evy.

"Whose her mother son?" Tanong naman ng ama sa kanya at si Evy na ang sumagot dito.

"It's me po Tito." Sambit nito kaya mas lalo namang nagulat ang mga magulang niya.

"Totoo ba yang sinasabi mo hija?" Hindi makapaniwalang sambit ng mommy niya samantalang ngumisi naman ang daddy niya.

"Yes po. She's our daughter." May alanganing ngiting sambit ni Evy dahilan para mapangiti ang mommy niya saka nilapitan ang apo at niyakap ito.

"Hello my dear, I am your Grandma." natutuwang sambit ng ina nito sa anak niya dahilan para huminga siya ng maluwag.

"Your my grandma po? Like my Grandma Erina?" Tanong naman ng anak sa mommy niya.

"Yes apo and he is your grandpa also."

"Really po?? Mommy! Daddy! I have another grandma and grandpa po!" masayang sambit ng anak kaya napangiti naman sila ni Evy.

"What is your name little girl?" pagtatanong ng daddy niya at bibo namang sumagot ang anak niya.

"Eillee Vienne po grandpa." Sagot naman ng anak saka napatingin sa katabi ni Evy which is si Liam.

"Daddy! Daddy! Is he my Kuya Liam?" Kalabit sa kanya ng anak kaya nginitian naman niya ito saka tumango. Matagal na kasi niyang ipinaalam sa anak ang tungkol kay Liam and he even showed her brothers' pictures kaya medyo pamilyar na ito sa kanya.

"May little sister po ako mommy?" dinig naman niyang tanong ni Liam kay Evy.

"Yes sweety and thats her, Eillee." Evy told to his son na natuwa din sa narinig at binati ang kapatid.

"Hello Eillee, I'm your Kuya Liam." Sambit ng panganay na ikinatuwa nila ni Evy at ng mga magulang niya.

"Hello Kuya!" Nakangiti namang sambit ni Eillee sa kapatid.

Masaya siyang tanggap agad ni Liam ang kapatid nito kabaliktaran naman sa inaasahan niya ganun din sa mga magulang niya.

After their dinner ay kinausap ulit sila ng mga magulang niya kasama si Evy habang ang mga bata naman ay nagbonding sa playroom.

"Ikaw na bata ka, pasalamat ka talaga at si Evy ang ina niyang isang anak mo kung hindi itatakwil talaga kita." Sambit ng mommy niya sa kanya pagkatapos nilang ikwento kung bakit nagkaroon ng isang Eillee sa buhay nila ng hindi nila nalalaman.

"I know mom and I'm more lucky because we have a daughter."Sambit niya saka niyakap si Evy sa harap ng mga magulang.

"So what is your plan?" His dad asked

"We decided to bring the kids home Dad."

"Thats good to hear para naman makasama niyo na ang mga bata. Tsaka lumalaki na sila kaya kailangan niyo silang gabayan dahil kayo ang mga magulang."

"Kaya nga po eh. Pero okay lang po ba talaga sa inyong isama na namin si Liam?"

"Oo naman tsaka lagi na ngang namimilit yon na makasama kayong dalawa. Bumubuti buti narin ang lagay niya so pwede na siyang bumalik sa syudad."

---------------------

Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon