33

5.1K 86 0
                                    

Pagod na pagod si Lluke sa maghapong trabaho kaya ng matapos sa ginagawa ay agad na siyang umuwi para makita ang asawa at ang mga anak.

Nakakawala kasi ng pagod kapag nakikita niya ang mga ito lalo na kapag sinasalubong siya mahigpit na yakap.

Pero nang makarating sa bahay ay iba ang naabutan niya dahilan para sumama ang timpla niya.

How dare her to say that to his wife! Wala talagang kasing sama ng ugali ang matandang yon!

Mabuti nalamang at natakot ito sa sinabi niya kaya mabilis itong umalis sa pamamahay nila.

"Are you okay babe?" He asked his wife

"I'm okay pero ang mga anak natin, hindi Vannder." Anito saka tiningnan ang mga anak na kanina pa umiiyak.

Dinaluhan naman niya ito saka binuhat.

"Stop crying Liam, Princess, nandito na si Daddy at si Mommy." Aniya at agad namang tumahan ng mga anak pero nagsumbong naman si Liam sa kanya.

"Daddy, lola hurt me again po kasi ayaw kong sumama sa kanya. Tsaka ni hurt niya din si mommy."

"What?? She did that to you? At pati ikaw babe sinaktan karin niya?"

"I'm fine babe, hindi naman masyadong masakit ang sampal niya."

"But still she hurt you! Wala talagang hiya ang matandang yon! I'll make sure na pati siya ay susunod sa anak niya." Galit niyang sambit saka agad tinawagan ang abogado.

Ayaw na ayaw niyang sinasaktan ang kahit na sino sa pamilya niya kaya kung sino man ang mananakit sa kanila ay hindi niya palalampasin iyon.

He instructed his lawyer about that old woman at ipapakulong niya talaga ito ng tuluyan.

Sa totoo lang ay matagal na dapat niyang ginawa yon pero dahil sa mommy niya ay hindi na niya itinuloy. But now, hindi na niya talaga ito palalampasin lalo pa at ang mag-ina na niya ang involve dito.

"Babe, I'm really fine and no need for her to put in jail."

"No babe, I need to do that dahil kilala ko ang matandang yon. Babalik at babalik yon dito at ayokong mas lumala pa ang sitwasyon. Hindi yon titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto niya kaya habang maaga pa ay uunahan ko na siya."

Napatango nalang ang asawa sa kanya saka pinagtuunan nalang ang pansin ang mga anak nila na natutulog na.

Sa mga sumunod na araw ay balik normal na ulit sila lalo na ang mga anak niya. Sinampahan niya narin ng kaso ang dating manugang saka naipakulong. Dahil din doon ay nalaman niya na hindi lang pala siya ang gustong magpakulong dito kung hindi marami pa.

Isa palang scammer ang ginang at marami na itong nabiktimang mga tao kaya talagang makukulong ito.

"Babe.." Tawag niya sa asawa isang umaga habang kapwa nakahiga pa sila sa higaan. Maaga pa kaya hindi niya muna hinayaan ang asawa na bumangon

"Hmm?"

"Gusto mong magbakasyon tayo sa states after ng kasal natin sa simbahan?" He asked his wife

"Pwede naman bas---"Hindi naman natuloy ng asawa ang sasabihin nito nang mabilis itong bumangon at patakbong tinungo ang banyo saka nagsuka.

Agad niya naman itong sinundan saka hinagod ang likod nito.

"Are you okay babe??" He asked at tumango naman ang asawa saka pinunasan ang bibig niya.

"I'm okay babe."

"Are you sure? Patingin na kaya tayo sa doktor kasi ilang araw ka ng ganyan." nag-aalala niyang sambit pero ngumiti lang ang asawa saka iniyakap ang magkabilang braso nito sa leeg niya.

"Wag na babe tsaka normal lang naman itong nangyayari sa akin."

"Huh? Anong normal?" he asked again at mas lalo namang lumapad ang ngiti nito.

"It's normal because I am pregnant babe." Sambit ng asawa na hindi agad pumroseso sa utak niya.

"W-what??"

"Ang sabi ko po, buntis po ako at magiging daddy ka na ulit." ulit nito at doon lang tuluyang nagsink in ang lahat.

"Really?? Buntis ka?? Magiging daddy na ulit ako??"

"Ah-huh!!"

"Oh yeahh!!! Thank you babe!! Thank you!!!" Aniya saka binuhat ang asawa at inikot ikot ito.

Masaya siya sa nalaman. Masayang masaya!

Hindi niya lubos akalain na masusundan agad ang bunso niya. But well, magaling nga yata siya dahil nakabuo na agad.

"I love you babe and this time, kasama mo na talaga ako sa pagbubuntis mo. God! Sobrang saya ko!"

"I love you too babe and I'm happy too kasi madadagdagan pa tayo ng isang anghel."

"Hows the baby and you? Okay lang ba pareho ang lagay niyo?"

"Yup and actually check up ko tomorrow so sasamahan mo ako sa doktor ko."

"Sure babe, sasamahan talaga kita. I'm sure matutuwa ang mga bata kapag nalaman nila ito."

"I know right." Anang asawa saka siya hinalikan sa mga labi. Napangiti naman siya at ginantihan ito ng halik.

------------

Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon