Chapter 14

2K 101 4
                                    

Alice



"You kissed me back." Namumungay ang mga mata at halatang hindi makapaniwala na sambit nito habang nakatingin ng diretso sa akin.

Awtomatikong napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang nagbabadyang pag ngiti. May kung anong kiliti rin akong naramdaman, na animo'y mga paru-parong nagliliparan sa loob ng aking tiyan.

"I-I just..." Napaiwas ako ng tingin atsaka napayuko.

"I knew it." Bulong niya.

"Raven..." Pagbanggit ko sa pangalan nito bago ipagdidikit ang aming mga noo. Nag-uunahan parin sa pagtaas pagbaba ang aking dibdib.

Bakit pakiramdam ko, ayaw ko ng matapos pa ang sandaling ito. Ayaw ko ng umalis pa sa likod ng mga libro nandito. Iyong tipo na gusto ko, kung pwede lang magkaroon kami ng aming sariling mundo.

Napasinghap ako noong maramdaman ang mainit na palad ni Raven, dahil sa marahan na paghaplos nito sa aking pisngi. Hindi parin naghihiwalay ang aming mga noo sa isa't isa.


"I like you...Alice." Buong puso na pag amin nito. Dahilan upang matigilan akong muli. Mas lalong bumilis pa ang pagtibok ng aking puso kaysa sa kanina.

"Alam ko hindi ka maniniwala dahil sa history ko, pero yun ang totoo---"


Mabilis na binigyan ko ito ng halik sa kanyang labi. "Thank you."  Pagpapasalamat ko at pagkatapos ay niyakap siya.


Ang sarap lang damhin ng mainit na katawan nito. Sobrang nakakarelax. Isama mo pa na napaka bango niya.


"For what?" Tanong niya atsaka pinaglaruan ang dulo ng buhok ko.


"Kasi pwede na akong mahulog ng tuluyan." Napahinto ako sandali bago muling nagpatuloy. "Kasi alam kong...may sasalo na sa akin. At ang sarap-sarap lang pala sa pakiramdam na hindi ko na kailangang matakot---"


"Alice?" Biglang na putol ang aking malalim na pag-iisip at agad na bumalik sa realidad noong marinig ang boses ni Raven.

"H-Huh?"


Naguguluhan ang mga mata na tinignan niya ako sa aking buong mukha.


"I said, you kissed me back." Pagkatapos ay napalunok ito. Nakikita ko sa kanyang mga mata na kinakabahan siya.


Sana totoo nalang ang lahat ng imagination. Sana totoo nalang ang pag-amin niyang iyon. Pero hindi.


"I-I'm sorry, I kissed you. I-I shouldn't...I shouldn't do that." Atsaka ito napahilamos sa kanyang mukha bago napaatras mula sa akin.


Parang may kung anong kirot ang gumuhit sa aking dibdib noong marinig ang sinabi niyang iyon.

She's sorry.


Ibig sabihin ba noon, wala lamang sa kanya ang ginawa niyang paghalik sa akin? Ang ginawa namin? Nakuha niya ang first kiss ko ng ganon lang, tapos wala lang sa kanya?!


At ngayon, nagsosorry siya na para bang pinagsisisihan niya ang ginawa niya. Kung gayon bakit niya ako nagawang halikan?!


Napalunok ako ng maraming beses at agad na napatingala sa upang pigilan ang nagbabadyang pagluha.


Ang tanga ko lang. Natatawa na sambit ko sa sarili.


Ang tanga ko lang kasi kahit konti umasa akong magugustuhan niya rin ako. At nagawa ko pa talagang mag daydream? Nakalimutan ko yata na siya nga pala si Raven. Ang dakilang play girl na kayang gawin ang lahat ng anumang gustuhin niya.


HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang