Chapter 34

2.5K 129 63
                                    

Alice

Ngayon ang araw na dapat makikipagkita ako kay Raven. Para sana makita ko ito sa huling sandali. Mapag masdan ang mukha niya na ilang taon ko rin na hinangad na muling masilayan. Marinig ang boses niya na alam kong paulit-ulit kong hahanaping marinig.

Makikipagkita ako, para ibigay ang closure na gusto nito. Ang closure na kailangan naming dalawa. Ang closure na deserve ko at deserve niya. Para sana batiin ito ng buong puso, dahil sa wakas eh nahanap din nito ang babaeng mananatili sa tabi niya ano man ang mangyari.

Alam kong masakit, alam kong mahirap at sobrang nakakadurog. Pero kailangan ko na siyang bitiwan, kailangan ko na siyang palayain. Maging ang sarili kong ilang taon din ang iginugol sa paghihintay sa muli naming pagkikita.

I need this.

We both need this closure. Kaya ibibigay ko na.

Hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko sa taong may minamahal nang iba. May respeto parin naman ako sa sarili ko, thanks to my bestfriend, Sarah.

Pinarealize niya sa akin ang lahat.

Siguro nga, talagang lumipas na ang panahon para sa aming dalawa ni Raven. Masyado lang kasi akong umasa sa salitang 'baka pwede pa', kaya ako napag iwanan. Dahil minamahal ko parin hanggang ngayon ang tao na dapat matagal ko ng kinalimutan.

Napahinga ako ng malalim habang nagpapalinga-linga sa paligid. Kanina pa ako nandito pero hanggang ngayon, wala parin ang Raven na inaasahan kong dumating.

Hindi na yata siya darating.

Malungkot na napayuko ako pagkatapos ay muli na naman na napaluha.

I just want to see and hug her for the last time. Ngunit pati iyon ay pilit na ipinagdadamot nito sa akin.

Ang daya lang.


Kasi bakit palagi akong umaasa sa mga bagay na alam kong imposible naman nang ibigay niya sakin.


Bakit umaasa parin akong makikipagkita pa ito kung ilang beses na niya akong nagawang ipagtabuyan at talikuran.

Napasinghot ako at agad na pinunasan ang luha na nasa aking pisngi.


Siguro nga hindi na talaga siya darating. Kasi kung may balak siyang sumipot, dapat kanina pa siya na nandito. Ngunit kahit anino niya ay wala parin akong nakikita, kaya alam kong malabo nang mangyari ang inaasahan ko.


Bagsak ang mga balikat at mabigat ang dibdib na tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Gustuhin ko pa man ang maghintay, pero alam kong hindi na pwede.

Tama na.


Tama na ang dalawang oras na pinag hintay ko ang aking sarili.


Uhaw na uhaw na akong maka usad. Uhaw na uhaw na akong makita ang sarili kong hindi na nababalot pa ng sakit at kalungkutan. Kaya tama na. I will no longer wait for her.


Naglalakad na ako ngayon upang tuluyan nang makaalis sa lugar na ito, nang may basta na lamang humablot sa aking braso atsaka ako mabilis na iniharap sa kanya.


Isang mahigpit at mainit na yakap ang ginawa nito pagkatapos. Hindi ko pa man tuluyang nakikita ang kanyang itsura pero alam kong si Raven ito base sa kanyang gamit na pabango.

Dumating siya...Napapakagat na wika ko sa aking isipan. Dumating siya, ngunit huli na.


"I'm sorry...nagdalawang isip ako na pumunta. Naduduwag kasi akong makita ka, Alice. H-Hindi ko alam pero gusto kong humingi ng tawad. Alam kong nasaktan din kita ng sobra-sobra." Pag hingi nito nang tawad habang yakap parin ako.


HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon