MFBF: Seventy-Three

196 16 0
                                    

Louie

Kate's POV

Nakatingin lang ako kay Lex buong byahe,naglalaro sa isip ko ang mga posible nyang gawin o pinagdadaanan ngayon. Pero Isa lang ang alam ko,hindi dapat nangyayari to ngayon

Tahimik lang kaming nakarating nang school. Masiglang naman kaming sinalubong nila Iris at Eisha nang makita kami,pero nababagabag pa din ako sa tuwing ngingiti sya. Pano nya nagagawang ngumiti nang ganyan?

"Langya! manlilibre kayong dalawa mamaya ha!"banat pa ni Iris habang papunta kami nang cafeteria

"Eh bakit mamaya pa kung pwedi namang ngayon na diba?"sagot nya,agad naman kaming natahimik

"Woah totoo ba yan?hahaha ganda ata nang gising mo Lez ah! Umabsent ka lang nang isang linggo naging galante ka na hahaha"aniya ni Eisha

"Hahaha wag abusado! Ngayon lang to,pambawi ko sainyo"sagot nya naman

"Eh teka nga pala Lez, san ba kasi kayo nagpunta at absent kayo nang isang linggo? Pinuntahan na namin kayo sa inyo pero lagi naman kayong wala"tanong naman ni Iris,agad akong napatingin kay Lez pero nagtaka nang wala man lang bahid nang kaba o alinlangan sa kanya

"Family problems,basta wag nyo na isipin pa"sagot nya saka muling ngumiti,ngiting walang bahid nang lungkot,ngiting puro at natural...hindi na ata maganda to

Matapos ang recess ay bumalik na kami sa mga klase namin, magkatabi lang ang classroom nang susunod naming klase ni Lex kaya hindi na ko nagsayang nang oras para makausap sya nang kami Lang

"Lex...okay ka Lang?"nagaalala kong tanong,agad naman syang napangiti

"Oo naman,bakit?"sagot nya habang patuloy lang sa paglalakad

"Nung...nung nawalan ka nang malay...m-may naalala ka ba?"tanong ko,agad naman akong nagulat nang napahinto sya saka tumingin nang diretso sakin

"Hindi lang naalala...nalaman ko na,lahat-lahat"sagot nya at sa hindi malamang dahilan ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakaramdam ako nang takot at kaba sa sinabi nya,para kasing ibang tao ang kausap ko. Parang hindi na sya si Lex o si Lez.

"L-lez..."agad akong natigilan nang lumapit sya sakin

"Hindi ako si Lez. Lexie ang pangalan ko...at kung ako sayo Lyn. Layuan mo na ko,dahil baka mapatay lang din kita"ani nya na mas nagpatayo nang balahibo ko

Napailing ako sa gulat at dismaya. Hindi,hindi ikaw to.

"Umuwi na lang muna tayo Lex,hindi ka pa okay"aya ko saka hinigit ang braso nya

"Maayos nako,eto ang tunay na ako Lyn...wag kang magalala dahil bukas wala nang tatawag sakin sa pangalang yun, sasabihin ko na sa kanila"nawala lahat nang takot ko nang makita ang isang emosyong kanina ko pa hinahanap sa kanya, ang dapat na inaasta nya

Unti unting pumatak ang luha sa mga mata nya dahilan para yakapin ko sya't pakalmahin

"Shhh it's okay,you don't have to.."comfort ko

"Hindi eh! Ako ang may kasalanan,sa halos lahat nang nangyayari dito ako ang may kasalanan! Ako ang pumatay kay Lez,at sa mama ni Kier! Hindi okay ang lahat Lyn!"hagulgul nya,pero mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya

"No! Alam mong aksidente ang lahat,hindi mo sinasadyang maitulak si Lez sa hagdan,at mas lalong hindi mo kasalanan kung sinangga nang mom ni Kier ang katawan nya para iligtas ka"saad ko saka humiwalay sa yakap namin, hinawakan ko sya sa balikat at tinignan diretso sa mata na puno nang pag asa "Maraming nanjan para sayo Lex,lahat nang nangyayari ay nakatakda para protektahan ka. Kung hindi nawala si Lez hindi ka malalagay sa posisyon nya,hindi ka makakaranas nang normal na buhay. At kung hindi dahil sa mom ni Kier,matagal ka nang Wala. Hindi mo kasalanan yun dahil pinili nila Yun,pinili nang tadhana para mailigtas ka at tugisin Ang tunay na may Sala"

"H-hindi ko kaya Lyn, masyado akong mahina. Alam ko na lahat nang nangyari pero mas gusto ko pang pilit na kalimutan kaysa harapin!"

"Nandito kami! Tutulungan ka namin! Ako,si Shawn,si Cello! Nandito kami,kaya wag ka nang umiyak jan na parang ikaw lang ang nagdurusa"

"Pero pano kung mapahamak lang Kayo? Tulad nila?"

"Trust me, hangga't nanjan ka hinding hindi kami mawawala sa tabi mo"nakangiti kong paniguro

"Pramis?"tanong nya, napangiti naman ako

"Pramis!"





Nya's POV

Pabalik nako nang kampo nang magring ang phone ko,agad kong in-on Ang Bluetooth para sagutin Ang tawag

"Oh?!"singhal ko

["Cello,can I ask you a favor?"]tanong ni Shawn sa kabilang linya

"Busy ako!"tanggi ko pa

[" Stop pretending will you?! Wala ka pa nga dito sa kampo eh!"] Sagot nya,napairap naman ako sa inis

"Ano ba kasi yun?"

["I want you to check on Lex"]

"Bakit pa? Nandun naman na si Kate diba? Kaya na nila Yun!"

[" I know,but I need an update. Hindi pa din ako mapakali kanina,come on!"] Pamimilit nya pa

"Haish! Iba na lang utusan mo!"tanggi ko uli

["Sige na! Para makita mo na din sya! Kunwari ka pa eh kagagaling mo nga lang dun eh"]pamboboyo nya, napailing na lang ako

Tsh! Kung magkaharap lang kami ngayon,malamang kanina ko pa sya sinapak!

"Ayoko nga syang makita! At hindi din ako galing dun!"bulyaw ko,dinig naman ang tawa nya sa kabilang linya

["Sige na!para masabi mo na sa kanya yung sinabi mo sakin!HAHAHA!"]

"PAKYO KA SHAWN!"Bulyaw ko pa pero mas lalo lang lumakas ang tawa nya dahilan para tapusin ko ang tawag

Pagdating sa isang dulo nang kanto ay agad akong nag u-turn at nagdrive papunta sa RCHU

Hais! Titignan mo lang Nya! Titignan mo lang sila,wala nang iba!

Pagdating sa school dumiretso ako sa likod nang campus,at pumasok sa sekretong butas nang pader

"Jan ako nabubulakbol nang walang nakakaalam! Galing ko nuh? Ako lang magisa nagbutas Nyan"

"At proud ka pa talagang binutas mo yan? Tsh!"

Napailing ako saka binalik ang batong nakaharang dito at mas piniling akyatin na lang ang gate. Sakto namang pagbaba ko ay ang pagkawala nang puso ko nang makita sya mismo na naglahad nang kamay sa harap ko.

"Nagpakahirap ka pa,pwedi namang suotin mo na lang yung butas diba?"halong saya at lungkot ang namayani sa mga mata nya,kahit puro at dalisay Ang ngiting binibigay nya

Napapikit ako sa inis saka tumayo nang mag Isa. Wala akong emosyong pinakita at tuloy tuloy lang na naglakad para lampasan sya,nang higitin nya ang braso ko

"Cello ko"bulong nya habang nakayakap mula sa likod ko,napasinghap naman ako para pigilin ang luhang tumakas mula sa mga mata ko

"Tigilan mo ko Louie"





________________________________

Yiieeee!!! Hahahaha divert muna natin sa complicated na story ni Lex, ship na yan!

Don't forget to vote and comment love love 😘😊

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon