Chapter 9

1.2K 16 5
                                    

Chapter 9

“Paano kung sabihin ko sa iyong gusto ko yung nangyari sa atin at gusto kong totohanin ang kunwaring kasal natin?” si Richard.

Hindi alam ni Maya kung ano ang isasagot kay Richard. She is still trying to absorb everything that he is saying.

“Maya?” Richard continued to stare at her. So intense that it was slowly driving her crazy.

“R-richard puwede ba, huwag kang magbiro ng ganyan.” Pilit pa ring umiiwas si Maya sa mga titig ni Richard.

He walked towards her na lalo namang ikinataranta ni Maya. She retreated a few steps back until her back hit the wall. Napapikit siya sa inis, she was trapped and Richard had her exactly where he wanted her to be.

“Sinong nagsabi sa iyong nagbibiro ako?” He closed the gap between them until they are face to face. “I want this marriage to work.”

She can’t hardly breathe. Napakalapit ni Richard sa kanya na hindi siya halos makahinga. “P-paano si Celeste?”

“I’ll talk to her.”

Yumuko si Maya at ipinikit ang mga mata. Sa isip niya, alam niyang gustong-gusto niya ang mga sinasabi ni Richard pero sa kabilang banda alam niyang mali ito.

“Richard nakakahiya kay Celeste. Ipinahiram ka niya sa akin para matulungan ako sa problema ko tapos anong nangyari, lalabas na inagaw kita sa kanya na wala akong utang na loob.”

“Wala kang inagaw dahil ako naman ang may gusto nito. Ang gusto ko lang malaman if you feel the same? If you also want this marriage more than I do.”

“Kung alam mo lang Richard, kung alam mo lang kung gaano ko pinangarap na makasal sa iyo… na mahalin mo rin ako.” Sa loob-loob ni Maya.

Richard pressed his forehead to hers and looked straight into her eyes. “I love you Maya, hindi ko alam kung kelan basta nangyari na lang. Liligawan kita hanggang mahal–…”

Hindi na natuloy ni Richard ang sasabihin dahil niyakap na siya ng mahigpit ni Maya. Umiiyak ito, siya naman ay ngumiti sa pagkakayakap ni Maya. Niyakap din niya ito ng mahigpit.

Ilang sandali pa ay kumalas si Richard sa pagkakayakap ni Maya para pahirin ang mga luha nito. Richard then leaned slowly, then finally pressed his lips to her. Maya closed her eyes the second their lips met. She close them tighter as Richard deepened the kiss.

Nakalimutan na ni Maya kung ano man ang mga nasa isip niya. Sa ngayon she thought the moment was so perfect na ayaw niyang bumitaw. Bata pa lang siya ay gusto na niya si Richard, siguro nga ay matagal na niya itong mahal hindi lang niya alam kung papaano bibigyan ng pangalan ang nararamdaman pero ngayon ay sigurado na siya… matagal na niyang mahal si Richard.

********************

Nakangiti pa rin si Maya habang hinahatid ng tingin si Richard. Kahit puyat ay nagpumilit pa rin itong ihatid siya.

The Night before…

Richard broke the kiss. “We need to stop baka kung saan makarating ito.” Richard smiled.

Namula si Maya sa mga sinabi ng huli.

Richard took a strand of Maya’s hair and tucked it behind her ears. “I love it when you blush.”

“R-richard.”

“Last…” Kinabig siya ulit ni Richard at hinalikan. It was the same tender kiss tulad ng ibinigay nito nung una until it becomes passionate… demanding.  Again he broke the kiss pero halata ang kontrol nito. “God I love kissing you.” He whispered.

StayWhere stories live. Discover now