Kabanata 1

4.6K 132 2
                                    


"Everyone has three lives: a public life, a private life, and a secret life."
🍀🍀🍀

Penelope's POV

.

Nightmare


"Woohoo! That's it, Viola. Turn around, baby. Please give me more poses. Perfect!" saad ni director Goldi.

"One more and were done. That's it. Perfect!" si Fifa, ang cameraman.

"Okay. Good job everyone! Well done, let's clean up!" sigaw ni director Goldi.

Pinaikot ko na ang mga mata ko at agad na lumapit sa akin ni Kakay. Pinasuot niya agad sa akin ang malambot na bathrobe. Mabilis din akong humakbang palayo sa lahat at papasok sa dressing room ko. At nang makapasok ay pabagsak akong naupo sa upuan at nakatitig sa malaking salamin.

"I need my clothes, Kakay. Please."

Tahimik niya itong kinuha sa gilid at sinunod ko lang din siya ng tingin. Tumaas pa ang kilay ko nang makita na nabitawan niya ang shorts ko at sa sahig ito napunta.

"Kakay suotin mo nga ang salamin mo! Are you wearing a contact lens?" taas kilay ko siyang tinitigan mula sa salamin.

"Oo, Miss V, sayang naman ang mga endorsement mo. Eh, hindi mo naman ginagamit. Kaya mas mabuting pakikinabangan ko," ngiti niya at napangiwi na ako.

Tumayo na ako at tinangap ito mula sa kanya. Naghubad na ako sa harapan niya na tanging panty lang din at bra. Mabilis kong sinuot ang damit at tinali na ang nakabuhayhay na buhok ko. Nakangiti naman si Kakay na parang aso sa gilid ko. 

I smiled at her. I like her a lot because she's easy. Sa lahat ng naging PA ko, ay siya ang pinakamasarap kasama.

I don't know what's on her. But my bitchy personality will switch softly when it comes to her. Madaling uminit ang ulo ko sa iilang maliit na bagay. Kaya sa loob ng isang taon ay naka-sampung PA na ako at si Kakay ang pang labing isa ko. 

Ewan ko ba. Pero sa tuwing natitigan ko siya ay gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya.

"Heto na po ang green tea ninyo, senyorita," ngiting bigay niya.

"Salamat. Kumain ka na ba?" Inom ko habang pinagmamasdan siya. Abala na kasi ang mga kamay niya sa pagliligpit sa lahat ng mga gamit ko. Tapos na kami, at aalis na kami rito.

"Mamaya na lang. Sa loob ng van na lang ako kakain. Hindi pa naman ako gutom."

Napatingin agad ako sa relo na suot at kumunot na ang noo ko.

"What? It's past two o'clock, Kakay. Gusto mo bang mabaliw ka?"

Tumayo na ako at ako na mismo ang kumuha sa sandwich container.  Nagbabaon ako ng sarili kong pagkain. I am being careful of what I eat. Kaya ako na ang gumagawa ng sarili kong pagkain. I have to count my carbo and sweets. Or else, baka bukas makalawa ay balyena na ako sa harap ng madla!

"Here. Have this." Nilagay ko ito sa gilid na bahagi ng maleta.

"Salamat, Miss V. Ang bait mo talaga."

I smirked and shook my head.

"Hindi ako mabait, Kakay, at alam mo iyon," sabay inom ko ng tubig.

Binuksan niya agad ang food container at kumain na. Humarap siya sa akin na puno ng pagkain ang bibig niya.

"P-pero mabait ka sa akin, Miss Vi" lawak na ngiti niya.

A Knight To Remember (DFM#2)✅Where stories live. Discover now