prologue

37 10 1
                                    

"Ree, you know ba the legend in this city about sa assassin na namvi-victim ng mga corrupt na person?" at nilapit ang mukha sakin dahil maingay dito sa food court.

Bagot akong umungot sa tanong ni Cha. "Hindi, bakit?" at nangalumbaba sa mesang pumapagitan sa amin. Anong chismis na naman ang narinig nitong babaita na 'to?

"Great! Then I can chika it to you," tuwang-tuwa niyang bigkas at halos pumalakpak na siya sa isip ko. Huminga na lang ako nang malalim sa nakikita kong 'di kaaya-aya.

"Huwag mo 'kong kwentuhan gamit 'yang conyo words mo, Cha," reklamo ko sa kaniya.

"Ba't ang sungit mo ngayon?" Sumama lang ang tingin ko sa tanong niya. "Fine, fine," irap niya at sinimulan nang magkwento. "Two years ago, mayroon daw assassin na bumibiktima ng mga corrupt na tao-"

"Yeah, yeah. Skip mo na yan."

"Reaper ang tawag sa kaniya even though nameless talaga siya. Natawag lang siyang ganon kasi lahat ng mga biktima niyang hindi sumusuko sa pulis o nagconfess ng kasalanan nila, kinabukasan patay na. No proof if the Reaper is a girl or a boy. Ni isa walang nakakita sa kaniya kahit na yung mga sumuko," napahinto si Cha dahil sa sinok. Agad naman siyang uminom ng tubig saka nagpatuloy. "Ang sabi sa testimonies nila ay mayroong tumawag sa kanila. Distorted ang boses kaya hindi ma-identify ang gender. Hindi rin matrace ang location niya. Sobrang vigilant ng taong 'yun. The siege lasted for almost three months. After that, wala ng balita tungkol sa Reaper. Ang astig niya, ano?"

Kumunot lang ang noo ko sa sinabi ng katapat ko. "Hindi astig. Pumapatay siya ng tao, Cha."

"At least, nabawasan ang mga corrupt na tao sa siyudad natin, 'di ba?" balik ni Cha at sumubo ng fries na nabili niya.

"But killing them is not the answer. May chance pa naman sila para magbago, 'di ba?" punto ko.

Napatango si Cha. "Then they should've confessed already when they were given the chance na, 'di ba? But they did not.", patuloy siya sa pagnguya na parang wala lang sa kaniya ang pagpatay.

"Ano bang pinaglalaban mo, ha," naiinis na ungot ko. Pumikit ako at huminga nang malalim. Sa sobrang ikli ng pasensya ko, hindi ako nakakatagal sa mga ganitong labanan ng opinyon. Pangarap kong mag-abogado noong bata ako pero ngayon, alam ko nang hindi ako pwede sa pag-aabogado.

"Na tama lang 'yong ginawa ni Reaper," at nagkrus ng braso ang babaita.

"Kung umasta ka parang ikaw yung gumawa, a?" tumaas ang kilay ko. Ah. Gusto ko nang maiba ang usapan.

"Hindi, 'no! Sa lampa kong 'to?"

"Pag-akyat pa nga lang sa second floor, hingal na hingal ka na. Mas lampa ka pa sa bata," komento ko at iniba ang usapan. "Sakitin ka ba talaga simula bata?" at inalayo ang tingin sa babaita, naiinis ako sa pagmumukha niya. Nakakasura.

"Pero tama pa rin yung ginawa ni Reaper," pagbalik ni Cha sa usapan.

Nahampas ko ang mesa sa inis. "Sabing hindi nga pagpatay ang sagot!" singhal ko kay Cha. May ibang napatingin sa amin dahil mukhang masisira na ang mesa sa hampas ko pero mas nangingibabaw ang inis ko. Iniba ko na nga ang usapan para hindi na kami mag-away pero itong babaita na 'to, gustung-gusto ang away. Alam na alam kasi niyang mabilis akong mapikon kaya sa ganitong paraan niya ako inaasar.

Nanghahamon na tumingin siya sa akin. "Ano bang tanong ang sinasagot niyang sinasabi mo, Urie?"

I felt like something snapped inside me. I exhaled sharply and stood up from my seat. "'Wag mo nga akong kausapin," at iniwan si Cha roon.

"Urie, pikon. Bleeh!" pahabol ni Cha bago ako makaalis ng food court. Bruha talaga 'yong babaita na 'yon.

"Reaper, reaper, as if namang tamang pumatay ng tao," iritadong bulong ko sa sarili.

Por que at masama sila ay dapat na agad silang mamatay? Walang chance na magbago? At saka, sure ba sila na 'yong reaper talaga ang pumatay sa mga biktima? Wala silang solid evidence na mapakita dahil ang evidence "kuno" nila ay "Halata naman na 'yong reaper ang salarin kasi siya lang naman ang nagpapabida nitong mga nakaraang araw."

Napakawalang-kwenta, aba. Kung ganito lang din kagagago ang mga pulis dito sa bansa, mas pipiliin ko pang pumunta ng ibang bansa kaysa manirahan dito. Pero kahit saan naman ay may mga ganitong uri ng pulis. Nakakaurat lang kasi halos lahat na. Mga feeling superior dahil may hawak lang na baril—

"Ah!" napahinto ako sa paglalakad nang may mabangga ako dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko. "Sorry po, hindi ko po sinasadya—" tumama ang tingin ko sa nabangga ko. Teka—

Napanganga ako nang maging pamilyar ang mukha ng lalaking nabangga ko at nang maramdaman ang malamig na bagay sa bewang ko. Alam kong kutsilyo iyon, alam ko! KUTSILYO IYON! Gusto nang sumabog ng puso ko sa kaba, baka nararamdaman niya 'yong sobrang kabog ng dibdib ko. 'Wag naman sana, baka saksakin niya ako bigla. Wala akong laban sa kaniya, nanigas na ako sa harap niya.

"What are you doing here?"

Pati boses niya pamilyar na pamilyar sa akin. Sa sobrang lamig at lalim ng boses niya, mas pinili ko na lang manginig kaysa magtapang-tapangan. Bakit sa ganitong lugar pa kami nagkita?

Maraming tao sa paligid. May ibang napapatingin sa direksyon namin pero iniiwas din. Baka nga lalong umiwas sila kapag napansin nila 'yong kutsilyo na nakaabang sa bewang ko.

Dumiin ang kutsilyo sa bewang ko kaya napa-ingit ako. "I said, what are you doing here?" ulit niyang tanong sa akin.

Paano ko ba siya malulusutan? Magkukunwaring tanga? O walang alam sa ginagawa niya?

"Hindi naman po siguro tama na manutok ng kutsilyo kung kani-kanino, kuya. Lalo na po at maraming tao sa paligid." Hindi ko alam gagawin ko para mailayo ang kutsilyo sa bewang ko. Hindi ko naman pwedeng paluin kamay nito at baka isipin niyang naghahamon ako ng away at isaksak sa akin 'yong kutsilyo bigla.

Nawala ang malamig na bagay sa bewang ko kaya nakahinga na ako nang maluwag. Tumaas ang kamay ko sa dibdib ko, hanggang ngayon malakas pa rin ang kabog. Ayos lang sana kung dahil sa kilig itong nararamdaman ko pero dahil sa takot ito, e!

"Sorry, you just looked familiar," hingi niyang tawad pero hindi sincere. Maldito, siya na nga may kasalanan. "Your scent is familiar," dagdag ng lalaki na nagpakabog na naman ng dibdib ko. Tumama ang tingin niya sa akin.

Tumayo ang balahibo ko sa ginawa niya kaya umiwas ako ng tingin. "Baka may kaparehas lang ako ng amoy," dahilan ko.

"I have a keen sense of smell so I know what I am saying."

Napatango na lang ako sa sinabi nito para matapos na ang pag-uusap namin at makalayo na ako sa kaniya. "Confident ka, ayos yan," at nagmartsa palayo sa kaniya.

Nang makalabas ako ng mall ay halos bumigay na ang tuhod ko sa sobrang panginginig. Makita ko lang ang mukha niya, sapat na iyon para maging balisa ako ng ilang araw. O baka hindi lang araw iyon.

I clutched my chest and I can still feel the wild beating of my heart. Masakit, masyadong malakas 'yong kabog. Nakakatakot. Gusto ko nang umuwi. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa para itext si Cha na uuwi na ako pero may sumamang maliit na piraso ng papel galing sa bulsa ko.

The piece of paper is enough to give me anxiety but I didn't know that what's inside can give me the most anxiety I've ever had in my entire life.

Ah, dang it.

dosufiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon