one

23 6 0
                                    

Hindi sapat ang yakap kong unan para mabawasan ang kaba ko. Humigpit ang yakap ko sa unan—ah, para namang sapat 'to para mabawasan ang kaba ko. Napakagat-labi na lang akong bumagsak sa kama.

Dumapo ang tingin ko sa papel na nasa side table. Tumambol ang dibdib ko, pabilis nang pabilis. Pumikit ako.

Akala ko ligtas na ako sa kanila dahil dalawang taon na rin ang nakalipas pero hindi pala. I thought my skills in hiding is top-notch because no one in the SSA found me in the last two years—ang taas pala ng tingin ko sa sarili. Ngayon, may isa nang nakakita sa akin. Was I careless because it's been two years? At inakalang sumuko na sa paghahanap sa 'kin ang SSA? Well, jokes on me because they would never! Napakataas naman ng pangarap mo, Urie, para mangyari iyon!

Dang it.

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko at lalo lang akong hindi mapakali dahil sa pesteng papel na 'yon! Sapat na 'yong nakita ako ng lalaki na 'yon pero 'yong mag-iwan pa siya ng papel sa akin?

Napakamot ako sa braso ko sa sobrang hindi pagkapakali. Napadilat ako. Ah, I don't want to have a wound for that piece of paper! Kinuyom ko ang kamao ko para maiwasan ang pagkamot pero mas lalo lang akong hindi mapakali.

Pabalya akong bumangon at lumapit sa side table kung nasaan ang dahilan ng nararamdaman ko ngayon, inis, sama ng loob—lahat ng negative! Marahas kong binuklat ang papel.

Hello, Ms. Reaper :)

Sa sobrang iritasyon na nararamdaman ko, sumigaw ako habang pinagpupunit ang papel nang maraming beses, paulit-ulit. Mabawasan lang ang pagka-irita ko—as if those are enough.

Pabalyang humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot hanggang leeg. Kailangan kong kumalma kung hindi, masisiraan ako. May paraan pa rin naman para maiwasan ko ang SSA.

May paraan nga ba?

Napagulong-gulong ako sa naisip ko. Syempre wala! Nagulo ko ang buhok ko. Hindi niya dapat ako pinapraning nang ganito! 'Yong lalaki na 'yon!!!

SSA ang pinag-uusapan dito! Secret Service Agency! Sila ang sumasalo sa mga kaso na hindi kayang lutasin ng Police Department. They are the so-called "underground policemen." Only the government knew their existence—and some people who has a lot of connections—me.

At ang mga kasama lang sa SSA ay ang mga taong may ability lamang. And they're extremely dangerous. Kaya ganito na lang ang takot at kaba ko. Tho, I still haven't seen any evidence that they're really dangerous—nakakatakot pa rin.

Bumuntong-hininga ako. I need to rest, mababaliw lang ako kakaisip. Bahala na kung anong mangyari bukas. Ka—basta bahala!

dosufi


Kurot ni Cha ang sumalubong sa akin at sa braso ko pagkababa ko ng bus. "Iniwan mo 'ko sa food court tapos hindi ka na bumalik! Wala ka man lang tawag o text kung umuwi ka na ba o kung buhay ka pa! Pinag-alala mo 'ko!" sermon sa akin ni Cha at kinurot ulit ako sa braso bago magsimulang maglakad papuntang school.

Napangiwi na lang ako sa pino ng kurot niya. Nakalimutan ko palang itext siya kagabi dahil sa dami ng iniisip ko. Kung hindi lang sana iniwan sa akin 'yong papel—nako! Nginitian ko siya, "Sumama kasi sikmura ko magdamag tapos alam mo na," palusot ko at sumunod sa kaniya.

Nakangiwi siyang lumingon sa akin. "That's so dugyot!" napasigaw siya at dumapo ang tingin sa hawak niyang shawarma. "I'm eating, oh?" tumaas ang kilay niya.

Tinawanan ko siya at tinuro. "Ikaw nagsabi n'yan, ha! Wala akong sinasabing kung ano!"

Sumama ang tingin niya sa akin. "So, anong ginawa mo?"

Marahan ko siyang siniko. "Gusto mong malaman?" ngisi ko sa kaniya at tinaas-taas ang kilay. Napahalakhak ako nang mamula ang pisngi niya. Dang it! Para siyang kumain nang sandamakmak na sili! Pati tainga niya ay namumula! Freaking hell, how can she be so adorable?

Hanggang baba ko lang si Cha kaya sobrang cute niya sa paningin ko pero nakakatakot din magalit.

"Ah!" napahiyaw ako nang sikuin niya ako sa tagiliran. Sakto pa na sa buto ko tumama 'yong siko niya. Napahawak ako sa tinamaan niya. "Ano ba 'yan, Cha! Hindi mabiro," ungot ko sa kaniya.

"Hmp!" Binilisan niyang maglakad.

Hinabol ko na lang siya. Kahit maikli ang hita ng babaita na 'to, ang bilis makalayo. Saan nanggaling ang bilis ng lakad niya? Nasa lahi ba nila 'yan? O dahil inis lang siya?

Cute talaga.

Medyo malayo-layo pa ang lalakarin namin papuntang school galing sa binabaan ko ng bus. Pwede naman kaming magtricycle ni Cha papuntang school pero mas pinili niyang maglakad kasi malapit lang naman saka sayang ang pera.

Palusot niya lang talaga 'yon para mas matagal niya akong makasama.

Huminto sa paglalakad si Cha at nilingon ako. "Bilisan mo," utos niya kaya agad akong tumakbo papalapit sa kaniya. Nang makarating ako sa tabi niya, may tinuro siya sa tinitingnan niya. Napunta roon ang atensyon ko.

Sa isang park, may tatlong lalaki na pinagtutulungan 'yong isang lalaki. At ang malala pa, ginagamitan pa nila ng ability. Napahugot ako ng hininga. Only selected people are born with ability. Palakasan na lang siguro kay swerte kung gusto mong magka-ability ang anak mo.

Hindi napapasa through genes ang ability, hindi pa explained kung paano nagkakaroon ng ability ang isang tao. No reasons or circumstances, it just happens. But there are some cases that ability users abuse their ability to belittle those who haven't, like what I'm seeing right now. This is not rare but it's against the law.

Bawal gumamit ng ability in public. Unless it's for self-defense or emergency cases. Other than that, pwede kang makulong. You're clearly discriminating and that's a grave sin.

"Tawag ka pulis, Cha. Mas magandang masampulan agad sila ng pulis kaysa sabihan lang natin sila." Hinila ko siya sa braso para maglakad ulit.

"Pero—"

Pinutol ko siya. "Laging pinapaalala sa school na hindi mo gagamitin ang ability mo kapag hindi kailangan. Sinabi rin na hindi 'to gagamitin sa ibang tao maliban kung self-defense o may maitutulong dito. Gets mo, Cha? Hindi sila nagkulang sa pagpapaalala about doon at kung susuway ka, choice mo 'yan," seryoso kong saad sa kaniya.

Napabuntong-hininga lang siya. "Fine, fine," inalis niya ang kamay ko sa braso niya at kinuha ang cellphone sa bulsa. "Parang kanina lang nagbibiro ka pa tapos now, you're so serious na," nguso niya habang nagda-dial sa cellphone niya. Tinapat niya sa tenga niya nang magsimula na itong mag-ring. "Ka-scary kaya—ah, hello, Police Department. . ."

Hindi na ako nakinig sa susunod niyang sasabihin. Parang kanina lang straight ka pa magsalita tapos ngayon conyo ka na ulit.

Agad akong napalingon sa kung saan nang may maramdaman akong nanonood sa akin. Who is that? May sumusunod ba sa akin? Pero sino? Umikot ang tingin ko sa paligid para hanapin kung nasaan ang nanonood sa akin pero wala akong makita.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon. Hindi kaya. . . ? Umiling-iling ako. Hindi naman siguro pwede iyon. Bakit niya ako susundan? Kasi may hinala siya kung sino ako? Kumabog ang dibdib ko sa naisip.

I mentally screamed. Ah, I feel so itchy. Huwag naman sana ngayon, please lang. Huminga ako nang malalim at kinuyom ang palad ko. I need to calm myself or I'll breakdown right here. Pumikit ako. He's not here, he's not following me, he's—

"Are you meditating?"

Agad akong napadilat nang marinig si Cha sa harap ko. My train of anxiety suddenly disappeared. Nakahinga agad ako nang maluwag. Umiling ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad.

"Are you okay? You look pale, Ree. May problema ba?" tanong ni Cha at pinagmasdan ang mukha ko. Umiwas ako ng tingin.

"Wala 'yon, Cha. Bilisan mo, baka malate pa tayo."

✧ ✧ ✧

author's note:

expect errors, ain't fan of proofreading. prolly revise this when finished.

dosufiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora