three

3 1 0
                                    

There are at least three things I wanna do right now. First, knock him out. Second, escape. And lastly, die. But here I am, sitting across him at the table. Baka 'yong unang gagawin ko pa lang ay dinapa niya na ako sa sahig at babalian na ng braso.

Mukhang wala naman siyang gagawing masama. Siguro. Maraming namamatay sa maling akala pero makikipagpatintero muna ako kay kamatayan. Depende kung gusto niyang makipaglaro sa akin.

"I'm not here to harm you. I'm here to help you," simula niya.

"Para saan?" Hindi naman ako nanghihingi ng tulong, ah?

"You see, you're once a suspect of the killings two years ago. Pero hindi na ngayon. We've accumulated enough evidences at the causes of their death and not even one of it leads to you. They all died because of electricity-no, by someone who has electrokinesis." Sumandal siya sa backrest ng upuan. "Though we have not yet found anyone who has the same properties of the one we have. It seems like he's a foreigner or someone who grew up not having an identity."

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Madali lang hanapin kung sino ang salarin kapag ginamit nila ang ability nila. May naiiwan na properties ng ability na ginamit sa paligid at tumatagal sila roon ng ilang oras. You can't remove those because they will become one with the nature. And who knows where will it go. But to find someone who isn't known or recorded is hard.

Every people that have an ability is recorded in the government, as well as their ability's properties so that they will be found immediately if they did a crime.

Kumunot ang noo ko nang may mapagtanto. "Kung hindi na pala ako ang suspect, bakit ka nandito?" tumaas ang kilay ko sa kaniya. "That's clearly trespassing plus sa bintana ko pa mismo ikaw dumaan!" Napatayo ako sa galit. Galit-galitan para umalis siya sa apartment ko. Depende kung gumana pero hindi, nakatingin lang siya sa akin. Sumama lang lalo ang tingin ko sa kaniya.

"And?"

Napamaang ako sa sagot niya. "That's clearly breaking the law! Lalo na at SSA agent ka!" singhal ko sa kaniya. How come he doesn't get it?! "I don't even know your name!"

Tumiim ang tingin niya sa akin. "How come did you know that?" seryosong tanong niya at akmang may kukunin na kung ano sa likod niya.

Wow ha? Siya itong akyat-apartment siya pa itong may ganang umakto nang ganito? "Of course, I'm Reaper? Sa tingin mo ba hindi ko mapapasuko 'yong ibang mga politikong corrupt na 'yon kung kaunti lang alam ko? Kung wala akong malawak na intel? Huh, sa tingin mo, ano?" nanghahamon kong saad sa kaniya at umupo ulit.

Sumama lang ang tingin niya sa akin bago alisin ang kamay niya sa likod niya at ilahad sa akin. "Augustus," saad niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Why? Why is he like this? I hate his attitude. I hate his guts to still act like this when he just trespassed my home. Kinaya niyang maging normal sa loob ng pinasok niya. Saan nanggagaling kapal ng mukha niya? Sasabihin ko pa lang sana pangalan ko pero inunahan niya na ako.

"Urie Gilles, 20 years old, October 14," nakangising saad niya at halatang-halata sa mukha niya ang pang-aasar kaya napasabunot na lang ako sa buhok at sumubsob sa mesa.

Gusto ko nang mapayapang buhay, please lang. Pero may takas ba ako? Wala, karma ko 'to sa ginawa ko two years ago, sino ba naman ako para takasan karma ko?

"Yeah right, SSA may be averted their eyes from you because of the evidences we accumulated to the real culprit but, I still have my eyes on you," simula niya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya at salubong na salubong ang kilay sa sinabi niya. Huh? Anong saltik niya?

"Tapos?" sarkastikong balik ko sa kaniya. Kung wala na pala sa akin, bakit nandito siya at ginugulo ang buhay ko? May gusto ba siya sa akin para manatili mata niya sa akin? Pinasok pa bahay ko nang walang pahintulot. Pasalamat siya at SSA siya kasi kung hindi, binato ko na to sa bintana.

He clicked his tongue before answering me. "You're still suspicious for me. Why all the killings started when you blackmailed all the corrupt politicians. 'Yong mga sumuko ay buhay pa hanggang ngayon sa kulungan. Samantalang 'yong ibang hindi sumuko ay patay na. Why? Dahil ba ayaw nilang sumuko kaya pinatay sila?"

Napangiwi ako sa tanong niya. "Paano sila susuko kung patay na sila, duh?" balik ko sa kaniya. Sumama lang ang tingin niya sa akin. "Kung sa tingin mo na ako 'yong pumatay sa kanila, bakit hindi mo ako dalhin ngayon sa headquarters niyo?" iritang tanong sa kaniya.

"I tried! Two years ago. But you escaped from me and all I had is your scythe-"

"Ah, my scythe," napasandal ako sa upuan ko.

"-and also, someone from the higher rank in our headquarters said to stop looking into you, so we did," he continued.

Tumaas ang kilay ko. "They did," pagtatama ko sa kaniya. "Hindi ka kasama kasi nandito ka sa harap ko at ginugulo ako," angil ko sa kaniya. Sana maintindihan niya na sana simula ngayon ay tigilan niya na ako gaya ng utos sa kanila. Pero mukhang hindi naman nakakaintindi.

"And that made everything about you is suspicious!"

"Sinabi mo na kanina na may nakuha na kayong mga ebidensya sa totoong suspect at hindi ako yun. Malamang sasabihin nila na tigilan niyo na ako kasi hindi naman ako ang pumatay sa kanila," sagot ko sa kaniya.

"What if you're an accomplice of the killer," he assumed. "Or you're acquainted to one of our higher ranks," he rubbed his chin at his speculations. "I'll look into this more."

Napalo ko na lang noo ko sa pinagsasabi niya. Hindi ko alam sasabihin ko sa kaniya. Sumasakit ulo ko dahil sa kaniya. Pwede bang tigilan niya na ako? Kung pwede lang na tigilan niya ako, e. Pero kung ayaw niya talaga, pwedeng paghinga ko na lang ang tumigil dito.

"Help me find the culprit," he spat casually.

Nanlaki lang ang mata ko sa sinabi niya. Baliw ba siya? Bakit niya ako idadamay sa trabaho nila? Dati akong suspect???? At hanggang ngayon pinaghihinalaan niya ako na kasabwat ko 'yong totoong mamamatay tao. Tapos sasabihin niya na tulungan ko siyang hanapin 'yong culprit? Ano ba talaga saltik niya?!

"NO!" I answered screaming. "AYOKO! TIGILAN MO AKO!" Tumayo ako at tumakbo papunta sa utensils ko at dinampot ang pinakamalapit na kutsilyo bago itutok ito sa kaniya.

Agad siyang napatayo sa kinauupuan niya at napataas ng dalawa niyang kamay. Pero tumawa rin agad nang mapansin ang hawak kong kutsilyo. "Seriously? Bread knife?" pang-aasar niya kaya halos gustuhin ko nang ibato sa kaniya ang hawak kong kutsilyo.

"Labas," banta ko sa kaniya.

"Tutulungan mo lang naman akong hanapin kung sino 'yong totoong pumatay sa kanila," pagdadahilan niya at akmang lalapit sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Okay, okay!" he surrendered and started walking towards the door.

Anong sa pinto ang daan mo? Magtatakha ang landlord ko kapag nakita niyang may lumabas galing sa kwarto ko lalo na at hindi niya nakitang pumasok iyon sa gate. Lagi pa namang nakabantay iyon sa tapat ng gate.

"Sa bintana, doon ka lumabas," utos ko sa kaniya. Nagsalubong ang kilay niya sa inutos ko. "'Wag ka nang magreklamo, sa bintana ka rin naman pumasok kanina, dyan ka rin lumabas. Dalian mo hangga't mahaba pa pasensya ko, maibato ko pa sa 'yo 'tong hawak ko," banta ko sa kaniya.

Napahagikgik siya sa mukhang hindi epektibong banta ko sa kaniya. Sumama lang lalo ang tingin ko sa kaniya, siguro kung may isasama pa ang tingin ko kasi kanina pa masamang-masama ang tingin ko. "Bread knife?" asar niya ulit.

Siguro naputol na ang pisi ng pasensya ko kaya nabitawan ko ang hawak na bread knife. Siguro sa sobrang asar ko sa kaniya, sa kaniya papunta ngayon ang nabitawan kong bread knife. Siguro kung hindi siya nang-aasar at nanggugulo ngayon, hindi sana madadaplisan ang tenga niya ng bread knife ko. Siguro kung hindi lang sana siya pumasok ng apartment ko, wala sanang masisirang pader.

Napahinto siya sa paghagikgik niya at tikom ang bibig na tumitig sa akin. "I'll be going," paalam niya at nagsimulang maglakad na papunta sa bintanang pinasukan niya kanina. Tumapak muna siya sa window frame bago ako nilingon. "Kung sakaling magbago ang isip mo, nandito lang ako," at kumindat bago tumalon palabas ng kwarto ko.

"TIGILAN MO NA AKO!" habol ko sa kaniya pagkasilip ko sa bintana. Nakita ko siyang lumapag sa isang sanga ng puno bago tuluyang nawala sa paningin ko.

Napaupo ako sa sahig pagkatapos kong isara ang bintana. Napakapit na lang ako sa dibdib kong tinatambol ng kaba. Hindi na ba talaga magiging payapa mga susunod na araw ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

dosufiWhere stories live. Discover now