alam kong pareho nating sinubukang isalba ang pag-ibig na hindi nakalaan para sa ating dalawa,
alam kong hiniling mo rin sa mga tala na maibalik tayo sa umpisa— sa araw na totoo pa ang ating nadarama.ngunit anong magagawa ng mga tala sa tadhanang ikaw at ako'y pinagtagpo lang upang makagawa ng mga ala-ala at maging aral sa isa't isa— wala tayong laban sa tadhang inilaan ka para sa iba.
ngunit bago ka sana lumisan, maaari bang ako'y mapagbigyan?
isang huling halik at mahigpit na yakap lang sana— bago natin baybayin ang magka ibang landas papalayo sa isa't isa.
YOU ARE READING
Mga Tula At Prosas
PoetryHi there! Hope ya'll enjoy my spoken word poetry here and add in your library! Sorry for the grammatically error . Any resemblance to actual person living or dead,events are purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME! ALL RIGHTS RESERVED COPYRIGHT 2...