𝐓𝐀𝐑𝐀, 𝐊𝐀𝐏𝐄?

2 0 0
                                    

𝐓𝐀𝐑𝐀, 𝐊𝐀𝐏𝐄?
              (𝖪𝖺𝗉𝖾 𝗁𝗎𝗀𝗈𝗍 𝗅𝗂𝗇𝖾𝗌)

Ano ba ang gusto mong timpla?
Yung naka 3-in-1 nga ba?
Yung pang mabilisan at fixed na yung lasa?
Yung pipili ka na lang, at ibubuhos mo lahat sa tasa—kasi alam mong ganun na talaga at 'di na sya mag-iiba?

Pwede rin yung sweet,
Yung sa sobrang tamis, ngiti mo'y aabot sa langit—
pero 'di mo alam, sa ibang kamay na sya nakakapit.
O kaya, yung purong-puro din?
Yung matapang na at kaya kang gisingin—
sa katotohanan na sa iba na s'ya nakatingin?

Ano nga ba talaga gusto mong timpla?

Eto, kape, asukal at iba pa.
Ikaw na ang bahalang magtimpla.
Dahan-dahan lang at 'wag madaliin,
Bawat patak ay iyong lasapin.
At sa tamang oras ay makukuha mo rin
ang inaasam-asam ng iyong damdamin.

Kahit matatagalan man ay ayos lang,
Kahit magkamali ay okay pa din naman—
basta't makukuha mo yung lasang
matagal mo nang inaasam-asam.
At sa tamang panahon,
yung mga tamis at paet ng kahapon
ay hamak na magiging leksyon
sa pagtimpla
ng perpektong lasa.

So ano,
Tara kape?

Mga Tula At ProsasWhere stories live. Discover now