"𝐓𝐎𝐆𝐀 𝐀𝐓 𝐃𝐈𝐏𝐋𝐎𝐌𝐀 𝐌𝐔𝐍𝐀: 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐓𝐑𝐀𝐇𝐄 𝐃𝐄 𝐁𝐎𝐃𝐀"

13 0 0
                                    

"𝐓𝐎𝐆𝐀 𝐀𝐓 𝐃𝐈𝐏𝐋𝐎𝐌𝐀 𝐌𝐔𝐍𝐀:
     𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐓𝐑𝐀𝐇𝐄 𝐃𝐄 𝐁𝐎𝐃𝐀"
✍🏻𝓛𝓱𝓪𝓷 𝓡𝓮𝓬𝓾𝔂𝓾 𝓦𝓹

Ito'y palaging bilin ng ating magulang sa t'wing tayo ay papasok sa eskwela---
Isang paalala na patuloy na ikinikintal sa puso't isipan na dapat mag-aral muna,
Ang tanging hangad nila ay makapagtapos tayo sa pag-aaral at masuklian ang paghihirap sa ating diploma,
Ang isang kapirasong papel na binuwisan ng dugo't pawis ang siyang nagsisilbing ganti natin para sa kanila.

Hindi lingid sa ating kaalaman ngayon ,maraming kabataan ang sugapa---
Hindi lamang sa ipinagbabawal na bisyo kundi pati na rin sa pagbubuntis ng maaga,
Ang impluwensiya ng pakikipagbarkada ay lantarang nakasisira,
Tiyak tayo'y mapapahamak kung hindi tayo maingat  sa ating desisyon at mapili sa kinakasama.

Kabataan! Gising na at buksan ang iyong bagong Kabanata---
Mga magulang ay isipin mo sa kanilang sakripisyo't pagpapahalaga,
Kung panliligaw lamang ang pakay sa eskwela,mabuti ng ikaw ay mag-asawa,
Hindi naman pwedeng pagsabayin iyon dahil marami ang nabibiktima sa maling akala.

Huwag padadala sa nakakabighani na imahe ng trahe de boda---
Para makuha mo ang pinakamamahal na diploma,
Isipin mo na lamang ang karangalang matatanggap habang suot-suot mo ang iyong toga,
Ang bayad ng puyat at paghihirap  sa pagising sa bawat umaga.

\hiram na larawan/

\hiram na larawan/

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Mga Tula At ProsasDonde viven las historias. Descúbrelo ahora