Four

8 1 0
                                    


Third Person POV

Ayon sa mga legendaryong libro, ang tinatawag na paraiso ay ang lugar kung saan makaubos hininga at makanindig balahibo ang ganda. Sariwa ang hangin, maraming mga puno, malaya ang mga nilalang na nabubuhay at payapang-payapa ang kapaligiran. Masarap manirahan sa ganitong lugar, masarap sa pakiramdam na walang gulo.

Ngunit isang kagubatan ang salungat na salungat sa tinatawag na paraiso. Marumi ang hangin, may umuusok sa paligid, ang mga nilalang ay mistulang pinabayaan, patay ang mga puno. Sa kagubatang ito at mararamdaman mo ang pagiging walang buhay at walang pag-asa. Tila may kung anong babalot sa puso mo ng matinding lungkot at panganib. Makakaramdam ng kirot sa dibdib na tila ba ay ayaw mo nang makita pa ito pero ito ang totoo. Binigyan tayo ng napakagandang kalikasan para ito ay alagaan. Panatilihing masaya at balutin ng pagmamahal. Sa ganitong sitwasyon sino ba ang sisisihin sa gitna ng karimlan?

Sa gitna ng kagubatang ito ay may itinatagong pasilyo. Mula sa panlabas nitong kaanyuan ay hindi mo mawawaring napakalawak sa loob. Kakaunti ang tao, puno ng mga kompyuter, mga linya ng kable na halos magkanda buhol na sa dami. Sa gitna nito ay may isang tankeng puno nag tubig na napapalibutan ng mga makinaryang kagamitan. Wari ba ay ito ang kanilang pinag-aaralan. Kulay asul ang tubig. Sa loob nito ay may katawan ng babaeng kakaunti lang ang saplot sa katawan. Dilaw ang buhok at puno ng mga kung ano-anong kable na nakakabit sa katawan nito.

Ang kakaunting tao sa loob ay panay titig sa mga kompyuter at nag tatype ng kung ano-anong codes ng mga symbols, numero at letra.

May lalakeng palibot-libot habang may hawak na baso ng kape. Habang umiinom ay tinitignan niya bawat kompyuter kung ano na ang estado nito.

"Uri....." Napahinto ito sa tapat mismo ng tangke nang may magsalita " eonje kkaji gidariseyo?" Nagsalita ang lalakeng nasa harap ng kompyuter. Nagtatype ito ng mga codes ngunit bakas sa mukha nito ang malungkot na ekspresiyon. Mula mabilis ay pabagal ng pabagal ang pagtype nito, marahil ay ramdam niya ang tono ng kanyang pananalita.

"Until when are we going to wait?"--translation

Ibinaba niya ang baso ng kape sa tabing mesa, medyo malayo sa mga makina dahil kahit isang kaunting patak lang ng likido ay maaaring magshort circuit at sumabog ang lahat. Hindi dapat masira ang kanilang pinaghihirapan ng dahil lang doon.

Medyo sumama ang mukha niya dahil sa narinig. Tinitigan niyang maigi ang babaeng nasa loob ng tanke at nagsalita.

"Nado keokjeongdeso..." Tinignan niya yung lalake "Keunde..jeolmang jeok in jilmun eul dasi mutji mashipsiyeo, ihae?"

"I'm also worried... But...Don't ask with a hopeless question again, understand?"---

Pilit kalma sa sariling sabi nito. Kinuha niya muli ang baso ng buong ingat at sumimsim ng kaunti at naglakad muli.

Napahiya naman ang lalake at tinutukan na lang nga maigi ang kanyang ginagawa ngunit ilang sandali lang ay nagbago ang kanyang ekspresiyon, hindi maipinta ang reaksyon nito sa kanyang mukha. Tila ba ay napakabigat para tanggapin ang kanyang natuklasan.

"Seonsaengnim!! Seonsaengnim!" Halos pumutok ang mga litid nito sa lakas ng kanyang sigaw. Hindi lamang ang lalakeng naglilibot kanina ang nakaagaw niya ang pansin kundi lahat, lahat sila ay napahinto sa kasalikyang ginagawa at nakatingin sakanya ng may bahid ng pagtataka.

"Seonsaengnim! Palliwa!" Tawag nito habang tinuturo ang screen ng kompyuter.

"Sir! Come here fast!"

"Seolma!" Sabat nung isang medyo malayo sakanya ang pwesto at bumalik sa ginagawa pero mas dumoble ata ang bilis na para bang kinakabahan.

Kumaripas ng takbo ang lalake papunta sa pinakamalapit sakanyang kompyuter na touchscreen at pinindot and isang kulay berdeng buton. Lumabas ang result nang naka virtual hologram. Sunod-sunod ang palabas pa ng iba't-iba pang pahina hanggang sa may lumalabas na error sa gilid nito.

World of GEMENIA(Ongoing!)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt