Five

4 0 0
                                    

Lyca POV

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, sandali pa akong napapapikit para tuluyang luminaw ang mga mata ko. Nang dumating na ang aking wisyo ay doon ko napagtanto na wala na kami sa paaralan.

Iginala ko ang aking paningin sa buong kwarto, malawak ito pero may nakakasulasok na amoy, nanunuot sa ilong at parang nakakasuka.

Napangiwi ako at napapalunok ng maramdaman kong bumabaliktad ang sikmura ko, doon ko din nalaman na nakagapos pala ako sa isang maliit na poste. Nasa lang ako sahig ako nakapwesto, may maliit na bintana sa gawing kaliwa at malayo ito sa pwesto ko. Sinubukan kong tumayo pero binigo ako ng mga tuhod at sarili kong paa.

Omg! Namanhid pa!

Inayos ko na lang ang pagkakaupo ko sa sahig. Taimtim akong nag-iisip kung bakit ako nanindito, kung nasaan ang mga kaibigan ko, bakit kami kinuha, may malaki ba kami kasalanan na maaaring kami ang kapalit?

Nilabas ko ang napakalalim na buntong hininga pero agad ko din namang nahigop pabalik nga makadinign ako ng mga yabag, at nagsisisi ako doon dahil mukhang nahigop ko din ang nakakasulasok na amoy.

Nasusuka na ako..

"Uri neun geu sero mueot eul hal geot ipnikka ?

A/n: sorry po, wala po akong balak na i translate ang korean lang po kasi part po ng story

"Geudeul eul daesang euro gage hasipsio ... eonjenga yuyong hal sudo itseupnida"

Tinig ng babae at lalakeng nagsasalitan ng salita ang palagay ko ay papalapit sa silid na kinaroroonan ko. Napapikit ako ng mariin dahil sa takot.

Ilang sandali pa ay bumukas na nga ang pinto ramdam ko ang mga yabag nilang papalapit sa gawi ko. Nawawalan ako ng lakas para tignan sila. Nanatili lang akong nakayuko. Marahil sila iyong mga dumakip samin sa likod ng silid aralan.

"Hoy, tumingin ka sakin"

Ang babae..

Yumuko ito upang pantayan ang lebel ng mukha ko.

Ng mapansin niya ayaw kong tumingin ay sapilitan niyang itinaas ang dinakma ang mukha ko.

"A-ahh!" Ang hapdi ng mga mga kuko niyang mukhang bumabaon sa pisnge ko.

"Pag sinabi ko gawin mo!" Sigwa nito mismo sa mukha ko dahilan para mapapikit ako ng mariin.

At dahil hindi ko na rin kaya pa ang reklamo ng sistem ko ay nasukahan ko ang braso niya.

"Igeu mwoya!????" Agad siyang lumayo at kumuha ng kung ano-anong pwedeng ipampunas.

Napapaubo pa ako dahil palagay ko ay mah second wave pa.

Omg!

Ngunit para hindi ko na isipin iyon ay nagsalita na ako.

"M-may k-kasalanan ba kami sayo?"

"Ahh!"

Iniharap niya muli ang mukha ko sa mukha niya, dumoble ang higpit ng mga kuko niya, ramdam kong nasusugatan na ang pisnge ko.

"Ikaw wala bukod sa sinukahan mo ako!..pero sa kabilang banda.." ngumiti siya at inilabas ang dila sa gilid ng labi. Nanlaki ang mga mata ko.

World of GEMENIA(Ongoing!)Kde žijí příběhy. Začni objevovat