Two

8 1 0
                                    

Third Person POV

Habang naghuhugas ng kamay si Maye ay panay ang ngiti mito sa harap ng salamin.

"hmm haha panigurado ang kilig ni Tricia dun ngayon" sabi nito

Bago kasi siya tuluyang makapasok sa palikuran ay natanaw niyang nagkasalubong sina Tricia at Kai, ang hindi alam ni Tricia ay naka sunod si Apo dito. Si Apo ang ultimate crush nito.

Nasa likuran siya ni Kai kaya marahil hindi talaga kaagad na mapapansin ito.

Natapos siyang maghugas ng mga kamay at kumuha ng tissue para ipampunas rito.

Palabas na sana siya ng may nadinig siyang nag-uusap.

"tumahimik ka Tao ang ingay mo nanaman"

" bakit ba?"

" hmm?..... ano kaya pinag-uusapan nila?" Wala sa sariling bulong ni Maye


"halika na, isip na lang tayo ng plano"

Nang maramdaman ni Maye na umalis na sila ay  tsaka na siya lumabas at bumalik na sa room.

Nang makarating siya sa tapat ng pintuan ay dinig na dinig niya ang malalakas na tawanan sa loob, kaya bago pumasok ay napangiti siya ng kaunti.

"mukhang close na close na kayong lahat ah" sabi nito ng tuluyang makapasok.

"Napakwento kasi si Apo ng mga childhood memories niya" sabi ni Tricia na natatawa pa

Nakaupo sila sa sahig at bumuo ng circle, sa gitna nila nakalagay ang mga panyo nila.

"sige kwento ka pa late na late si Maye na dumating eh haha" sabi ni Kai

Sa kabilang dako, sa journalism club ay ababakas sa mukha ni lyca ang saya.

Mukhang malapit na silang matapos sa kanilang ginagawa.

"ahh" napaunat ng kamay ang katabi niyang babae, isa ito sa mga kaklase niya.

"malapit na matapos yes," sabi nito ulet.

"ako talaga malapit na, pero ikaw buong game and practices kailangan pang maglibot at kumuha ng reports haha" sabi ni Lyca

"ayus lang yun, atleast di ko ang mageedit si Leanne naman haha"

Sa natapos nilang pag-uusap na iyon ay saktong dumating ang isang babaeng nakasimangot.

" oh leanne" ani Lyca na napatigil sa pagsusulat

" problema mo ba't ganyan mukha mo"

"Neneth" tumingin kay neneth

"Lyca" tumingin kay lyca

"tutulungan niyo ako mag edit ng newspaper" sabi nito habang naka full smile na

"ikaw neneth, sa reports mo syempre may kasama ka namang kukuha ng documentaries, tapos ikaw lyca ang mag eencode, then mageedit ng formats, ang paraghraphs and sentences, at higit sa lahat sa editing sama-sama tayo since sabi ni Maam tayo ang pinakaclose dito" dugtong nito

Ang kanilang kaunting kasiyahan ay napalitan ng inis.

Kakaunti na lang din kasi sila sa club kaya ang trabaho na di dapat sa kanila ay sila ang gumagawa, kung tutuusin di naman sila dapat ganyan ka busy kung di lang nag back out yung iba nilang myembro.

Habang busy na busy sila ay seryosong nag eensayo ang mga nasa music room. Minsan ay binabalot sila ng katahimikan, kung mag-uusap man ay kakaunti lang.

"ayos na yun" sabi nung lalake na nakatapat sa mikropono. Mukhang siya ang vocalist, katabi niya ang isang babae na mukhang vocalist din.

Tinuturuan niya yung babae sa parts ng kanta na di nya masyadong nakukuha ang nota.

"Neidene tubig oh" inabot ni Rose ang isang bote ng mineral

"salamat" sagot nito

Umupo si Rose sa pwesto niya at kinuha ang gitara sa tabi niya. Nagp-play siya ng isang tugtog habang tumitingin sa music sheet.

Napahinto naman siya at napapailing ang ulo.Mukhang medyo nalilito.

"Chanyeol, pano nga ulit sa part nato?"

Lumapit sa kanya si Chanyeol at tinignan ang sinasabi ni Rose

"ganito yan" dinemo niya iyon para mas maintindihan ng mabuti.

"ahh kuha ko na"

Lahat sila ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa, sayaw, kanta, tugtug, paper works at iba pa. Ngunit ang hindi nila alam ay may nakasubaybay sa kanila at tila pinag-aaralan ang bawat isa. Sa sobrang abala ay hindi nila napapansin ang lalakeng laging nakatanaw sakanila, kahit saan man sila mag tungo.

Nakatago siya sa isang sulok at nakasandal sa pader, paailis na sana siya nang mag ring ang phone niya.

Sinagot niya ang tawag.

"hello.... oo....maayos naman at walang aberya..... sige kita- kita tayo mamaya"

Pagkababa na niya phone ay inilagay na niya ito sa bulsa niya at umalis.

Natapos lahat ng mga activities nila at nag siuwian na sila, maaga pa ngunit mas pinili nilang umuwi na lang sa dorm nila, pag kawala kasing ginagawa ay kadalasang gumagala muna sila, pero ngayon ay gusto na nila munang magpahinga.





Sa kabilang dako naman...

Sina Kris, Luhan at Tao ay nakaupo lang sa sofa na tila may hinihintay.

Panay titig si Luhan sa phone niya.

Nang ilang saglit lang ay bumukas ang pinto nila, sabay-sabay silang napatigngin sa mga bagong dating.

Chanyeol, Kai, Chen.

Ngunit hindi lang sila, ang sumunod ay isang lalake at nagsalita ito.

"we're here"

@zone_ko

World of GEMENIA(Ongoing!)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant