CHAPTER 8 : MILKSHAKE AND HANDSHAKE

82 6 6
                                    


"Oras na para linisin ang mga sugat ni Young Master Amanda. Magpahinga na rin po kayo, Young Master NJ"

Napalingon si Ice sa family nurse nina Amanda.

Napatayo si Ice mula sa pagkakaupo sa tabi ng higaan ni Amanda. Kinuha niya ang palangganang may tubig.

"Ako na po, Ate Kyla. At wag ninyo na rin po akong i-po kasi tayo lang naman po ang nandito. Alam ko naman pong hindi ko kaya maaawat sa pagtawag sakin ng Young Master kahit sabihin kong huwag na kapag wala tayong kasamang iba."

"Pasensya na po, Young Master NJ. Pakiramdam ko po kasi'y magiging bastos ako kapag ginawa ko iyon. Kahit may pahintulot ninyo ay labag pa rin sa aking personal na pakiramdam. Sana po'y maintindihan ninyo."

Napabuntong hininga na lamang siya at napatango kay Kyla. Sa pagkakaalam niya'y bago lang ito at mag iisang taon pa lang sa serbisyo sa pamilya nina Amanda kaya malamang ay alangan pa ito sa kanila.

"Aalalayan ko na lang po kayo." Sabi pa ni Kyla.

Tumango na lang siya bilang pagsang ayon.

Kung sa normal na araw ay hindi niya papayagang makita ng iba ang katawan ni Amanda pero alam niyang walang anumang malisya ito para kay Kyla dahil ito ang trabaho nito at sanay nang makakita ng hubad na katawan.

Nagsimula na siyang tanggalin ang hospital gown na suot ni Amanda. Wala namang malisya ito para sa kanya kasi malapit na kaibigan naman niya si Amanda at ilang beses na rin naman niyang nakita ang hubad na katawan nito.

Nasanay na kasi siyang pumasok ng diretso sa kwarto nito kaya ilang beses na niyang naaktuhan ang paglabas ni Amanda mula sa bathroom, tumutulo pa ang tubig mula sa hubad na katawan. May ugali kasi itong iwan sa kama ang tuwalya nito kasi ang alam nito'y wala naman kasama sa sariling silid.

Simula pa kahapon pagdating niya sa Ancentral House ay siya na rin ang nag alaga, nagpupunas ng katawan at naglilinis ng mga sugat nito. Patuyo na ang ilang sugat, ang iba nama'y tuyo na at meron ding nagdudugo pa.



May dalawang katok sa pintuan at bumukas ito.

Pumasok si Dale sa loob ng silid at lumapit sa kanila.

"Tapos na po kami sa paglilinis kay Young Master Amanda. Aalis na po ako, Young Master Dana."

Tumango si Dale at nagpasalamat. Nagpaalam muli sa kanila si Kyla at lumabas na ng silid.

"Gusto kitang pauwiin na pero alam kong di ka susunod. Basta magpaalam ka lang ng maayos sa pamilya mo lalo na sa ate mong may sira sa tuktok."

Bahagyang tawa na lang ang naisagot ni Ice. May inabot na milkshake sa kanya si Dale.


"Huwag ka na magalit kay Ate Jem. Wala naman siyang kasalanan." Sabi ni Ice matapos agarang inumin ang paboritong milkshake ni Amanda. Nangalahati agad ito sa isang lagukan lang.

Umupo si Ice sa gilid ng kama at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng natutulog na si Amanda.

Huminga ng malalim si Dale at marahas na napabuntong hininga. Aminado si Dale sa pagkakamaling ginawa. Naging marahas siya kay Jem at pinagbantaan pa ito.

Hindi niya masisising pagtaguan siya nito dahil aminado siyang pinamanmanan niya ito na para bang isang Kriminal.




Malamig.

Iyan ang pakiramdam na gumising sa kamalayan ni Jem. Marahas siyang nag inat habang nakahiga at kinusot ang kanyang mga mata.

Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now