Alex, Dale and Booze

639 13 0
                                    

Pagalit siyang sumalampak ng upo sa sofa tangan ang malamig na bote ng alak na halos paubos na ang laman. Naipa cancel na niya ang kanyang appointment sana bukas sa kanyang kliyente dahil mayroon siyang kakatagpuing importante. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang umatras ang kanyang kakatagpuin at nakiusap na sa ibang araw na lamang. Na naman.

"Ang hirap kasi sa'yo Dale, masyado kang pabebe. O 'yan, nawala na tuloy ang palalabs mong di nabiyayaan ng ni katiting na kasweetan sa katawan." Pakumpas kumpas pang pangbubuska ni Alex.

Kaunti na lamang at babatuhin na talaga ito ni Dale ng hawak nitong bote ng Red Wine na ngayo'y simot na ang laman. Sinamaan na lang niya ito ng tingin pagkuwa'y huminga ng malalim at tumingin sa malayo.

"Bakit naman mawawala sa akin ang hindi naman naging sa akin sa simula pa lang?" Halos hindi narinig ni Alex ang sagot ng kaibigan. Tinatamad na si Dale sa paulit ulit na pagrereto nito sa kanya doon sa babaeng porselana pero lutang naman. Oo't maganda nga ito pero hindi niya tipo. Ang balita din niya kasi'y tila gagamba ang babaeng iyon. Kung saan saan nag iiwan ng sapot. At ang balita pa niya'y itlog ang paborito nito.

Bakit niya alam? Ang kanyang pinsang si Amanda na may lihim na pagnanasa kay Ice ay mahilig magkuwento. Interasado ka man o hindi.

Lihim na kanyang nabunyag at dapat hindi malaman ng iba.

"At tigilan mo na ako sa kakatukso mo sa akin tungkol sa kanya. Hindi ako natutuwa, Alex." Dagdag pa nito.

Tumayo si Alex sa kinauupuan at maingat na ibinaba sa center table ang hawak nitong bote ng alak na nangalahati na ang laman. Kung may maipagmamalaki man siya sa pagiging magkaibigan nila ay iyong siya lamang ang kinakausap nito nang kumpletong pangungusap. Napaka tahimik kasi nito. Nakakaboring kasama kung ikaw ay palakuwentong tao.

"At kanino naman? Doon sa nakadampot ng dummy phone mo? Elementary student pa lang yata yun, Dale. Tsk tsk."

Pakiramdam ni Dale ay puputok na ang namumulang ugat sa noo nya. Parang ang sarap ihagis ng bestfriend niya mula sa balkonahe ng Penthouse niya na nasa 36th Floor lang naman. Dummy phone daw?! Ginagamit niya iyon sa online games lalo na't ayaw niyang ibalandra sa madla ang kanyang mamahaling cellphone.

Sabagay. May punto nga naman si Alex.

"Ikaw? Ano ba pinagkakaabalahan mo ngayon? Balita ko kay Ice nakikita ka raw niya sa school nila. Parang guwardya sibil sa labas ng gate." Dagdag ni Dale. Tumayo pa ito at tumungo sa ref para kumuha muli ng maiinom na alak. Dalawang bote ng flavored beer naman ang inilabas nito ngayon.

Kibit balikat lamang ang isinagot ni Alex.

"Mukhang diretso tulog ka na. Panay ang inom mo. Hindi ba tuloy ang meet and greet nyo nung batang nakapulot ng cp mo?" Tanong ni Alex at pagkatapos ay inubos ang natitirang kalahati ng kanyang alak sa isang lagukan.

"Bakit naman kasi gusto mo pang kunin 'yon? Siguro...." Naningkit ang mata ni Alex at may tinging pagdududa. Seryoso na ito at wala na ang mapaglarong ngiti.

Lumingon si Dale dito at tiningnan ang hawak nitong walang lamang bote ng alak.

"Ikaw ang diretso tulog na. Magda drive ka pa ah." Kunot noong sermon ni Dale.

Ngisi lamang ang isinagot nito kay Dale. Lumapit pa kay Dale at inagaw ang isang bote ng alak na umuusok pa sa lamig. Kaagad na binuksan at tinungga ang laman. Halos maubos ang alak.

"Siguro may gusto ka dun sa elementary student na 'yon, ano?" Pang aasar ni Alex sabay ng malakas na tawa.

"Alice Margarita de Leon." May pagbabanta sa kalmadong tinig ni Dale. Kung papaanong kalmado at pananakot ay kayang pagsabayin ni Dale ay hindi rin maipaliwanag ni Alex.

"Ayos lang ako, Brual." Mataman lamang siyang tiningnan ni Dale.

Maya maya pa'y nagpaalam na si Alex na aalis na pero sa halip na sa main door ito pumunta ay sa pinto ng guestroom at pumasok doon.

Sinundan niya si Alex at nakita niyang bumagsak na itong parang troso. Tulog na agad. Saka pa lang niya napawalan ang pinipigil na paghinga kanina. Talagang kinabahan siya. Ang akala niya'y nabisto na siya ni Alex.

Tumunog ang kanyang cellphone. May tumatawag. Si Ice. Younger sister ni Alex. Half-sisters to be exact pero kahit na ganoon ay mahal na mahal ito ni Alex.

"Ate Dana..." Panimula ni Ice. Dana Leanne ang kanyang pangalan. Dana talaga ang nickname niya pero tinawag siyang Dale ni Alex nung mga preschool pa lang sila. Si Alex lang ang tumatawag sa kanya ng Dale.

"Oh..?" Sagot niya habang nakatingin pa rin ay Alex.

"Si Amanda po? Okay na po ba siya? Naaksidente po kasi siya sa motor dahil sa pagsagot sa tawag ko, 'di po ba? Sobrang nagiguilty po kasi ako." Halos paiyak na ito.

"Ayos lang siya. Matagal naman mamatay ang masamang damo." Sagot niya. Bahagyang tawa lamang ang narinig niya sa kabilang linya.

Nang natapos ang usapan nila ni Ice ay muli siyang napabuga ng hangin dahil sa frustration. Talagang malaking problema ang ginawa ng kanyang pinsan at hindi niya pinagsisisihang nasa ospital ito ngayon nang dahil sa kanya. Kung siya lang talaga ang masusunod ay nilumpo na niya ito. Sumasakit ang ulo niya.

Yung babae namang inaakala ni Alex na elementary student ay dalagang dalaga na. Hindi lang halata sa height pero tiyak na tiyak niyang dalaga na nga ito. Hindi naman siya niloloko ng mga mata niya noong aksidente niyang nakita ang hubad na katawan nito. Naramdaman na lang niya ang pag iinit ng kanyang mga pisngi.

Galit na galit kasi siya noon kay Amanda dahil sa 'dummy' cellphone pa niya ang ginamit ni Amanda sa kalokohan nitong ginawa.

Nasa resort sila noon, around 3 weeks ago.

Sa paghabol at paghahanap niya kay Amanda ay pati sa mga shower area ay naghagilap siya. Doon nga ay nabigla siya na may tao pala sa dulong cubicle. Di rin niya maintindihan kung bakit biglang kumalma siya. Hindi naman nakapag react ang babae sa cubicle na sa kasalukuyan ay nagsasabon ng katawan.

Naalala niya kung paano siyang napalunok habang sinusundan ang hagod ng kamay nito sa sariling katawan. Ang parang slow motion na pag agos ng tubig mula sa ulo nito pababa ng pababa...

Ipinilig niya ang ulo sa alaalang iyon. Nakaramdam siya ng init ng katawan. Naisip niyang sa alak lang ito. Lasing na siya kay mainit na ang kanyang pakiramdam.

Malas ba siya o swerte dahil ito ang nakapulot ng cellphone niya.

"Hmm.. hrr... bwiishhett kaahh.. sshhiinngkkiitt naa iittlloogg.. aakkiiinnn llaannngg shhiii bbannsshhooott kkoohhh...hrrkkk."

Napailing na lamang siya. Parang hindi tagapagmana ng malaking kumpanya ang kanyang kaibigan kung umasta.

Tiningnan muna niya uli ang tulog na tulog nang si Alex bago siya nagpasyang pumunta na sa sariling silid para matulog na.

Pero kailangan na talaga niyang makuha ang cellphone niya. Kapag naunang matuklasan iyon ni Alex... siguradong mapapatay nito ang pinsan niya.

Literal.


--------------------------------------------------------------
Hi Guys. Hit that vote button and don't be shy to leave comments.

To those with Wattpad accounts, feel free to add the story in your library.

Thanks.

Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now