Chapter 5: Project co owner

531 13 0
                                    

Chapter 5:

GABRIELA POV

Naramdaman kong nagkakamalay na ko. Dahan dahan kong ginalaw ang mga daliri ko tsaka onti onting dinilat ang mata ko. Ilang beses pa akong napakurap bago makita ang mukha nila mommy, daddy at ni May. Ilang minuto din akong walang narinig bago ko makita ang doctor na sinusuri ako.

"Ms. Gabriela, Can you hear me now?" dahan dahan akong tumango. Agad namang nagbago ang mukha nila mommy na kanina ay hindi maipinta. "Great. Is your vision and hearing are clear?" tumango ulit ako. "Can you feel your body?" pumikit ako para pakiramdaman ang katawan ko.

Agad akong napangiwi ng makaramdam ako ng kirot sa tagiliran ko. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalala ko ang nangyare. Agad akong dumilat at tumingin kila mommy.

"S-si Clark? O-okay lang ba siya?" pilit kong tanong. Nilapitan ako ni mommy habang si daddy ay kinausap ang doctor.

"Okay lang si Clark, Anak. Ikaw ang napuruhan" kinuha niya ang kamay kong walang injection tsaka minasahe iyon. "Tell me, Anak do you need something?"

"Wa-water" mahina kong sagot.

"Pwede nyo po siyang painumin paonti onti. Huwag nyo po muna siya hahayaang kumain ng maanghang, matamis at mahirap matunaw" sabe niya kay daddy tsaka bumaling sakin. "Kung satingin mo nasusuka ka huwag mong pilitin kumain. Ipatawag mo agad ako" dahan dahan akong tumango.

"Thank you, doc." nakipag kamay pa si daddy sa doctor ko.

Agad naman iyon inabot ng doctor. "Thank you for trusting your daughter to me, Chairman Mercado. Don't hesitate to call me kapag may problema. Mauuna na po ako" nag bow yung doctor samin tsaka mabilis na lumabas ng kwarto.

Nabaling ang tingin ko kay May na inaayos ang hospital bed ko para makainom ako ng tubig. Tinulungan nila ako ni mommy na makainom.

"Okay kana ba ? Wala ng masakit?" biglang tanong sakin ni daddy.

Nagsmile ako sa kanila para maibsan ang pag aalala nila. "Ma-mabigat nalang ang katawan ko, dad." tumango naman sakin si daddy. "Wala na ba akong mga kapatid?" nag palinga linga ako dahil hindi ko sila makita dito. Natawa naman si May.

"Nasa company nila. You're almost 2 days unconscious, Gabby. Kaya ang dalawa mong kuya ang nag asikaso sa lahat. Hindi ka kasi iniwan nila mommy at daddy" tumango ako sa sinabe niya. She called my parents mommy and daddy now dahil kasal na siya kay kuya George. "Paniguradong andito na yon maya maya pag nalamang gising kana" napangiti ko sa sinabe niya.

"Nahuli po ba?" tanong ko sa kanila.

"Yes." panimula ni dad. "He's now behind bars. Buti nalang nandoon si Clark at nailigtas ka. Balak ka pala niyang kidnap-pin kaya may dala siyang kutsilyo para maipanakot sa iyo." buti nalang dumating si Clark nung gabeng yon. Kung hindi baka mas malala ang nangyare sakin. Napangiti ako ng bumalik sa ala ala ko ang mukha niya kung gaano siya nag alala sa akin.

"Sorry po nabahiran ng dugo ang 100 years anniversary ng company na tinayo ni lolo" nahihiya kong sabe.

Agad na hinaplos ni mommy ang pisnge ko. "Don't say that, anak. Hindi mo kailangan humingi ng tawad."

"Huwag mo nang intindihin iyon, Anak. Ang mahalaga okay kana." napangiti ako sa sinabe ni daddy. "What do you want, my princess?" tanong pa niya

"I'm still sleepy, dad. Pwede pong matulog ulit?" natawa si daddy ng mag baby talk ako.

"Go ahead, brat" nakitawa naman ang dalawa tsaka tinulungan akong makahiga ulit.

Kiniss ako ni mommy at daddy sa noo bago pumikit. Agad naman akong nakatulog. Feeling ko kakapikit ko palang ng makarinig ako ng ingay.

Faithful Men #1: Clark and Gab | CompleteTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang