Chapter 15: Assurance (SPG)

565 8 0
                                    

CHAPTER 15:

Nagising ako ng makitang madilim na sa labas. Napatingin ako sa damit ko. I'm wearing his buttoned up shirt at nakasuot na din ako ng boxer niya. Tumayo ako ng kama ng hindi ko siya makita. Siguradong nasa baba na siya dahil wala na din siya sa bathroom.

Habang pababa ako ng hagdan rinig ko na ang sigaw ni Clark sa sala kaya mas minadali ko ang pag baba.

"Charlie, hindi kita pinalaking ganyan!" naabutan kong nakaupo si Charlie sa mahabang sofa at nakayuko habang si Clark at nakapamewang sa harapan niya. "You should listen to me. I am your father!"

"I hate you" bulong ni Charlie na parehas naming ikinabigla. Napahinto pa ako sa pag lapit sa kanilang dalawa.

"A-ano?!" hindi makapaniwalang tanong ni Clark sa kanya.

"I hate you. You're hurting my mom" mahinang sabe ni Charlie pero rinig na rinig ko pa din.

"Naririnig mo ba ang sinasabe mo! Ano bang nangyayare sayo?!" sigaw ulit ni Clark sa kanya halos mapatalon si Charlie sa gulat.

Nasasaktan ako sa nakikita ko. Feeling ko dahil sakin kaya sila nag aaway ngayon. Hindi ko na napigilang lumapit kay Clark nang sabunutan niya ang sarili niya.

"Calm down" sabe ko sa kanya.

"Baby?" gulat na tawag niya sakin.

Hindi ko na siya pinansin at lumuhod sa harap ni Charlie binalak kong hawakan ang kamay niya pero lumayo siya sakin.

"Son! Respect your tita gab!" sigaw ulit ni Clark. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin kaya napatingin na siya sa malayo.

"Charlie?" tawag ko sa bata pero di niya ako nilingon. "Look here. Wala akong masamang intensyon sa inyo ng Daddy mo. I'm just here to help your father. Kung aalis ba ako dito hindi kana magagalit sa Daddy mo?"

"Baby?" masuyong tawag sakin ni Clark.

Tinignan ako ni Charlie na naluluha tsaka onti onting tumango. Narinig ko ang mahinang buntong hininga ni Clark sa likod ko.

"Okay. Aalis si tita gab at hindi muna mag papakita sayo ng isang linggo. That's seven days" pinakita ko pa ang daliri ko sa kanya. "After that makikita mo na ako. Sana hindi kana galit sakin kapag nagkita tayo. Mag sorry ka sa daddy mo pag alis ko. Okay ? Ang pag sagot sa magulang ay bad. Hindi mo dapat ginagawa iyon sa daddy mo" nakita kong tumulo ang luha sa pisnge niya kaya agad ko iyong pinunasan pero tinabig niya ang kamay ko kaya tumayo na ako. "Aalis na si Tita. Please be a good boy, Charlie" hindi niya ako sinagot kaya napakagat ako sa ibabang labe ko.

Hinarap ko naman si Clark na may malungkot na mukha. "I'm sorry" sabe niya. Hinawakan ko naman ang pisnge niya tsaka hinaplos iyon.

"Sleep beside him. Make him feel that you are there for him. Okay lang ako. Puntahan mo nalang ako sa bahay kapag dumating na ang bantay ni Charlie" tinignan ko sandali si Charlie nang makitang nakayuko ito agad kong kiniss si Clark sa labe. "I love you" bulong ko sa kanya.

"I love you more, baby" hinaplos niya ako sa bewang tsaka ako umalis sa harap niya at lumabas ng bahay.

Alam kong hindi gusto ni Charlie ang ginagawa niya. Naguguluhan lang siya. Kailangan lang niya ng oras para maintindihan ang sitwasyon namin. Sana lang hindi na mag away ang dalawang yon pag alis ko.

I tried my very best para bumalik ang pakikitungo sakin ni Charlie. Mag dadalawang linggo na ang nakakalipas pero ma ilap pa din sakin ang bata. Buti nalang sakin lang siya hindi komportable dahil kapag andito sila sa mansion bibo naman siya kila Mommy at Daddy lalo na kay Matthew. Nasa second floor ako habang pinapanood siyang mag laro sa carpet dahil alam kong hindi niya magugustuhang kung malapit lang ako sa kanya at naiintindihan ko iyon. Ako ang gustong kumuha ng loob niya kaya kailangan ko mag adjust.

Faithful Men #1: Clark and Gab | CompleteWhere stories live. Discover now