Chapter 20: Christmas

500 7 0
                                    

CHAPTER 20:

After what happened sa Davao last week lalong mas naging maingat sakin si Clark. Hindi na sakin nag rereport si Sarra palagi nalang itong dumadaan kay Clark tsaka lang niya sasabihin iyon sakin kapag okay na ang lahat. Imbis na maiinis ako mas lalo lang akong nainlove pa kay Clark.

"Napadeliver na ba ang mga gifts?" tanong ko kay Clark habang kumakain ng Ice cream. Maya maya na kasi ang christmas eve. Si Clark din ang nag asikaso ng mga gifts ko sa mga empleyado ko at mga investors.

"Yes, Baby. Tapos na kahapon pa sabe ni Sarra" sabe niya saglit lang siyang tumingin sakin at binalik agad ang tingin sa laptop niya nasa computer table ko kasi siya at may tinatapos.

"Eh yung gifts ko sa mga eggs?" tanong ko ulit.

"Done na din, Baby. Dumating na din ang gifts nila para satin nasa christmas tree na sa baba. Bukas nalang daw sila pupunta dito" tumango na ako sa sagot niya sakin at tumingin kay Charlie na nasa carpet at nag lalaro ng bago kong biling laruan.

Dahil tambay lang ako dito sa bahay naging tambay na din ako ng online shopping halos ata lahat ng apps nasa cellphone ko na. Doon din ako nakabili ng mga regalo ko para sa pamilya ko. Buti di ako nahirapan mag tago ng gifts dahil pinapabalot ko na iyon kay Sarra bago ipadala dito sa mansyon. Nakabili din ako ng mga maternity dress ko. Kahit maliit pa ang tyan ko bumibili na ako. Excited na kasi ako.

"I want egg pie" bulong ko pero mukhang narinig ni Clark dahil tinawagan niya agad si Jeremy.

"Can you buy egg pie? ... Yes as soon as posible... Thank you" nang ibaba niya ang tawag tumayo ako at lumapit sa kanya.

Nakangiti akong naupo sa lap niya. Agad naman siyang tumigil sa pag tratrabaho tsaka tinanggal ang salamin niya habang ang kamay niya ay nasa balakang ko.

"Thank you" sabe ko tsaka pinaikot ang braso ko sa leeg niya.

He kissed me in my lips "Anything for my baby"

Sabay naming tinignan si Charlie na nag sosound effects sa may carpet at pinag bubunggo niya ang sasakyan niya.

"He is so cute" sabe ko at sumandal sa dibdib niya hinagod naman niya agad ang likod ko.

"You are spoiling him. Do you realize na ang kalat na ng kwarto mo dahil sa laruan niya?" natatawang tanong niya.

"It's fine para kay Charlie naman eh. Nakukuha ko na ang loob niya, Love" masayang sabe ko sa kanya.

"Yes you did. Malapit na kayong maging okay at masasabe na natin sa kanya na mag kakaroon na siya ng kapatid"

Naalala ko naman bigla yung result ng DNA nilang dalawa. Na kay tita na ang resulta pero napag desisyonan naming after new year na buksan para hindi masira ang pasko at bagong taon namin.

"What if... What if Camille lie to you about Charlie?" hindi ko na napigilang mag tanong.

"What do you mean?" pinatingala niya ako sa kanya. "Are you saying that Charlie is not my son?"

Agad akong umiling "Hindi ganon. I'm just wondering lang naman. Kalimutan mo na ang sinabe ko"

"You, dad and mom ask me the something before" seryosong sabe niya. "Ayokong mag dudahan ang anak ko. We already did premarital check before at napatunayang anak ko si Charlie. At kung may chance man na nag sinungaling sakin si Camille about sa kanya hindi ko iyon mapapalagpas but still, Charlie is my son, Baby. And i am the happiest man noong natanggap mo siya. I don't see Charlie as my mistake, Baby. Dahil ayokong lumaki siyang may galit sakin. You taught me na walang magandang nadudulot ang galit sa isang tao. Kaya ganon din ang gusto kong ituro sa kanya at sa magiging anak natin." napangiti ako ay sumandal ulit sa dibdib niya. "But if you want to have a peace of mind pwede naman kaming mag pa DNA test."

Faithful Men #1: Clark and Gab | CompleteWhere stories live. Discover now