III

636 119 0
                                    

Halika na, Noche Buena na!
Tayo na't magsaya sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Pero teka, kasiyahan nga ba para sa lahat ito?
Lakbay--- hintay.
Tumingin sa tao ng pantay-pantay.
Huwag papahuli nang hindi mapansin ang maliliit na bagay
Isang galaw, isang pagkakamali at ibabaon ka mula sa hukay.

Pangarap na makapag-aral.
Iyan ang nais ng ating tagapag-gamot na si Basilio.
Hindi hadlang ang kahirapan, kasuotan, o kahit kasamahan sa loob ng silid aralan.
Napagtagumpayan ang medisina dahil sa kagisigan.

Inang Sisa, kaibigang Elias,
Kaawa-awang namumuhay ng matiwasay ngunit kinailangang isuko ng sapilitan.
Ginoong Simoun, Binatang Basilio,
Parehong sawimpalad at uhaw sa katarungan.
Ginoong Simoun, Don Crisostomo Ibarra,
Nagbalik matapos ang labing tatlong taong punong-puno ng kaguluhan! 
Punong-puno ng kadayaan!
Punong-puno ng kabiguan...

Inuukit sa puso ang poot at paghihiganti.
"Ano nga ba ang magagawa? Dinudumog lamang tayo ng kalaban natin".

Maligayang araw, maligayang pasko!
Simula sa araw na ito'y wala nang boses ang mga Pilipino.
Kaawa-awang Tandang Selo.
Hindi sapat ang pagtigil,
Hindi solusyon ang pagkitil,
Hindi sapat ang talumpati,
Kung hindi tatapusin ang kanilang pang-aapi.

"Pang-aapi? Sino ang mga pilato?"
Ang tulisan?
Asendero?
Si Hermana Penchang o kura sa Pamahalaan?
Lahat sila'y... Harang at kalaban.

El Filibusterismo ni Jose Rizal (A Poetry)Where stories live. Discover now