Para saan pa ang pagsusulat ng balita kung binabaliktad lamang ang kaganapan?
Para saan? Para dumami ang tagahanga?
Kawawang mga taong pinaikot ang mga isipan.
Kung sino pa ang inaasahan na maghahatid ng katotohanan ay siya pang magseserbisyo sa paggamit ng bulok na pahayagan.Nababalutan ng kasinungalingan...
Ito ang naging daan sa pagguho ni Ben Zayb Ibañez.
Ang katotoohanan ay sumasalamin sa kung sino ka man.
Sa mga kwentong binaliktad at binago;
Kaganapan sa Piging, sa teatro, ang lampara,
Pati si Simoun na dapat ay nagdiriwang na ngayon.Ngunit ano nga ba ang magagawa ng pag-ibig sa isang taong tulad ni Isagani?
Naging bulag sa katotohanan, inuna ang kaligtasan ng kanyang minamahal sa kabila ng panganib na sakanya'y nag-aabang.
Hinadlangan ang himagsikan at itinakas ang lampara."O, Isagani. Ano nga ba ang iyong nagawa?"
Labis na pagsisisi sa kanyang sarili.
Dahil sa kalituhan at pagka-ipit sa gitna ng labis na pagmamahal at labis na kasawian.Kasawian...
Paalam aming Matanglawin,
Paalam Tandang Selo.
Nandito si Tano na habang buhay na pagsisisihan ang kanyang nagawa.
Ngayon dito'y nawalan ng kakampi ang katarungan.

YOU ARE READING
El Filibusterismo ni Jose Rizal (A Poetry)
Poetry❁El Filibusterismo ni Jose Rizal↭ ❝Pakiramdam ko'y isa akong alamat na nabubuhay❞ This book is a spoken word poetry about the novel "El Filibusterismo" by Jose Rizal. Let's imagine the story once again and feel how amazing and very dedicated Jose Ri...